CHAPTER 36

1.6M 32.4K 6K
                                    

CHAPTER 36

Day one without Grace and Valerian's life became somber. Lalo na tuwing tumatawag siya at hindi nasasagot ng babae. He really wanted to be mad at her but he knew what she was going through now. Ayaw niyang dumagdag sa problema nito at ayaw niyang maging makitid ang utak.

Day two, Valerian became grumpy and easily annoyed. At dahil do'n, ilang empleyado rin ang nasesante niya. At ang secretary niyang si Lester ay ilang beses niyang nasigawan. Pero sanay na ito sa paninigaw niya.

Day three, he became grumpier every second. Kahit pa katawagan niya ang fiancée, hindi siya mapakali.

Day four, he got drunk to not miss his moon cake. Pero walang epekto. Mababaliw na siya sa sobrang pagka-miss kay Grace. Kahit si Knight ay nag-aalala na sa inaakto niya.

One week later? Nagpa-book siya ng flight kay Lester. Ayaw pa niyang makarating sa mental hospital. Pero bago sumakay sa eroplano, binisita muna niya ang ina at kapatid sa sementeryo.

"Mom, Sis...." Huminga si Valerian nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata. "Sorry. I'm going insane. I have to see her and hug her. I'm so sorry. I know I made a promise but I'm losing my mind here. I need to see her now. Hindi ko na kayang maghintay na lang dito sa pagbabalik niya." Kumuyom ang kamao niya. "I have to see, Grace. Then I'll calm down and be fine."

Nagpaalam siya sa mga ito, saka bumalik sa nakaparada niyang sasakyan. Laking gulat niya nang makitang nakaparada ang sasakyan ni Knight sa tabi ng kotse niya.

"What the fuck are you doing here?" kunot-noong tanong niya.

"Nakita kitang nagmamadaling sumakay sa kotse mo." Nagkibit-balikat ito. "Nag-alala ako. I mean, I know you weren't stable these past few days since Grace left for her dad..."

Weren't stable? True. Wala siya sa tamang pag-iisip nitong mga nakaraang araw.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. "Well, go home."

"No." Matigas ang boses ni Knight. "Hindi kita iiwang mag-isa. Sasamahan kita kahit saan ka pumunta."

Pinaikot niya ang mga mata. "Bahala ka sa buhay mo." Sumakay siya sa sasakyan, saka pinaharurot iyon ng mabilis patungo sa NAIA.



Sapo-sapo ni Grace ang tiyan habang walang tigil na nagduduwal sa loob ng pribadong kuwarto na inookupa nila sa ospital.

Napahawak siya sa lababo nang mas lumala pa ang pagduduwal niya. She felt like her world was spinning. Pinagpapawisan din siya nang malamig at parang hinang-hina siya.

"Oh, God. Ano'ng nangyayari sa 'kin?" tanong niya bago inayos ang sarili at lumabas ng banyo.

Her eyes settled on her father. Mahimbing itong natutulog. Salamat sa Diyos dahil nakalabas na ito sa ICU at hindi na malala ang lagay nito.

Huminga siya nang malalim, saka lumabas ng kuwarto.

"Nali..." Ngumiti siya nang makalapit sa kapatid na nasa labas ng kuwarto. "Hindi pa ako puwedeng umuwi sa Pilipinas baka mabinat si Daddy."

Nagsalubong ang makurba nitong mga kilay. "Namumutla ka, Grace. Ayos ka lang?"

Mabilis siyang tumayo. "Oo naman. Siguro dahil sa pagpupuyat ko 'to kaya namumutla ako." Wala namang ibang eksplenasyon.

Mataman siya nitong tinitigan. "I heard you vomiting in the bathroom." May pagdududa ang boses nito. "Grace, may dapat ba akong malaman?"

"Ha?" Naguluhan siya. "Ano'ng kailangang malaman?"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon