CHAPTER 37

1.7M 34.6K 13.4K
                                    

CHAPTER 37

Humugot ng isang malalim na hininga si Valerian bago kumatok sa pinto ng hospital room na kinaroroonan ng ama ni Grace. Abot-abot ang kaba niya na may halong galak kasi makikita na niya sa wakas si Grace.

Bumukas ang pinto at sumalubong sa kanya ang isang sopistikada at magandang babae.

The woman looked at him from top to toe and then she smiled. "Hi, I'm Nali, you must be Valerian Volkzki." Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. "Nakita na kita sa isang magazine. By the way, pasok ka. Wala rito si Grace. May binili lang na... gamot sa pharmacy."

He stepped in with Knight behind him.

Agad niyang nakita ang medyo may-edad ng lalaki na nakahiga sa hospital bed. Bumalik ang tingin niya kay Nali. "Matatagalan pa ba si Grace?" tanong niya.

"Kanina pa siya umalis," sagot nito na nakatingin kay Knight. "Babalik na rin 'yon."

Napailing-iling na lang si Valerian nang lumapit si Nali kay Knight. She flirted and Knight didn't seem to care. Nakipag-usap lang ito kay Nali na para isa itong nawawalang kaibigan.

Valerian sighed and was about to sit on the sofa when a rough strict voice filled the room.

"Sino ang mga lalaking 'to, Nali?" tanong ng ama ni Grace na ngayon ay gising na at madilim ang mukhang pinagpapalit-palit ang tingin sa kanila ni Knight.

Mabilis namang lumayo si Nali kay Knight, saka sumagot. "Dad, ito po si Knight Velazquez." At iminuwestra nito ang kamay sa kanya. "At siya naman ang fiancé ni Grace."

The man's dark and deadly eyes settled on him. "Lumabas kayong dalawa. Maiwan ka."

Tumango si Valerian at nanatili sa kinatatayuan. Naiwan siyang mag-isa kasama ang ama ni Grace. Samantalang si Nali naman ay hinila si Knight palabas ng kuwarto.

Fuck! Fuck! Fuck—shit! Hindi siya puwedeng magmura sa harap ng ama ni Grace.

Parang nanunuri ang tingin sa kanya ng may-edad na lalaki. "Fiancé, huh?" He smirked, irritating him. "Ano'ng pangalan mo?" Napakaistrikto ng boses nito.

Humarap siya rito habang nakatayo nang tuwid. "Valerian Volkzki."

"Hmm... ilang taon ka na?"

"I'll be thirty-two next year."

"Family background?"

He took a very deep breath. "My mom and sister are dead. Ang ama ko naman ay ang siyang namamahala ng Volkzki Trading."

Tumango-tango ito pero wala pa rin siyang mabasa na emosyon sa mukha nito. "What do you do for a living?"

"Ako ang may-ari ng AirJem Airlines. I'm also a licensed pilot."

Mata sa mata kung tumingin ang ama ni Grace. "May isa pa akong tanong, at kapag hindi ko nagustuhan ang sagot mo, gagawin ko lahat para hindi matuloy ang kasal n'yo ng anak ko."

Napalunok siya sa sobrang kaba. "Anong tanong?"

"Did you take advantage on my daughter's innocence?" May talim ang mga mata nito. "Huwag kang magsisinungaling sa 'kin."

Sinalubong niya ang matalim nitong tingin. "Yes, Sir, I corrupted her innocence. But I also love your daughter. Very much. Kaya narito ako ngayon sa harap n'yo para ipaalam sa 'yo na pakakasalan ko siya. Mahal ko si Grace, and truth to be told, I don't care if you give your blessing or not, narito lang ako bilang respeto dahil ama ka ng babaeng mahal ko. Ang importante sa 'kin ngayon ay maiharap ko si Grace sa dambana, at maging isa kami sa mga mata ng Diyos. If you give me your blessing, thank you very much, but if you don't, I'm still marrying her because she's the woman I can't live without."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon