CHAPTER 3

2.1M 45.3K 23.2K
                                    

CHAPTER 3

Dahil boring ang party at puro naman kaplastikan ang ibang taong naroon, umuwi na lang si Valerian. Mabuti pa sa bahay niya, walang plastik kasi siya lang naman ang tao doon at ang dalawang aso niya.

Nang buksan niya ang pinto, agad siyang sinalubong ng dalawang niyang aso—sina Knight at Shun.

"Hey, buddies." Pagod siyang umupo sa mahabang sofa at gumaya naman ang mga aso niya.

Choosy din itong dalawang 'to, eh. Hindi umuupo sa sahig, kailangan talaga sa sofa.

He tapped Knight's head. "You remember what I told you last night, buddy? About this woman named Grace Oquendo?" He also tapped Shun's head. "Well, umatake na naman ang ka-weirdo-han ko kanina. Um-attend ako sa bachelors' auction na nangangalakal ng kalalakihan para makalakap ng pera—Fuck! Why the fuck did I give one million to those fuckers?" Napailing-iling siya. "Anyway, this woman named Grace is very innocent. So off limits. A marrying type of woman, not my thing." Ginulo niya ang balahibo nina Knight at Shun sa ulo. "Para akong sira-ulo, nakikipag-usap sa mga aso." He sighed.

"That's what happened when you're alone."

Napaigtad si Valerian at mabilis na tumayo, saka bumaling sa pinanggalingan ng boses.

In the doorway to his kitchen, stood Knight fucking Velazquez. Ang isa nitong kamay ay may beer ang isa naman ay may isang slice ng cake.

"Hey, dude." Ngumiti ito sa kanya.

He scowled at him. "Paano ka nakapasok sa bahay ko? At ibalik mo 'yang inumin at pagkain ko sa ref!"

Knight chuckled. "It's called picking the lock and no, I won't. Nagugutom ako." Pabagsak itong umupo sa pang-isahang sofa.

"Kanina ka pa?" Hindi niya ipinahalatang kinakabahan siya at medyo nahihiya. Medyo lang! Medyo!

Knight gave him a penetrating look and then the idiot started laughing his ass off. "Narinig ko lahat."

"Go fuck yourself." Binato niya si Knight ng throw pillow. "Lumayas ka sa pamamahay ko."

"Ayoko."

Hinila niya patayo ang buwisita at itinulak ito sa likod patungo sa pinto ng bahay. "Lumayas ka, Knight."

Tumawa lang ito at nang nasa pinto na sila ay bumaling sa kanya. Seryoso na ang boses nito. "How are you, buddy? It's been ten years and you haven't move on a bit."

Nawala ang lahat ng emosyon sa katawan niya. "Kung nangyari sa 'yo ang nangyari sa 'kin, I'm sure, you'll be just like me."

"You have to let go people in in your life, Val." Umiling-iling. Kapagkuwan ay bigla na lang ngumiti. "Kaya ako'y narito, para ikaw ay pasayahin."

He rolled his eyes at Knight. "Layas."

Tumawa lang ito, saka lumabas ng pinto, pero nakaharap pa rin sa kanya. "You know, Val, Oquendo is a Spaniard surname." Gumalaw-galaw ang kilay nito. Parang nanunudyo ang loko. "Uy, nagbibinata na siya."

Malakas niyang isinara ang pinto sa pagmumukha nito, saka naiinis na nagtungo sa kuwarto niya.

Valerian quickly took of his clothes, took a shower and sleeped on the bed naked.

And of course, he wasn't shock when a nightmare ruined his peaceful slumber.

Sinabunutan niya ang sariling buhok, saka pinunasan gamit ang kumot ang pawis na dulot ng masamang panaginip. Hinilamos niya ang palad sa mukha, saka umalis ng kama at nagsuot ng jogging pants.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon