CHAPTER 9

2.3M 42.2K 17.6K
                                    

CHAPTER 9

Nang hapon ding 'yon, dinala si Grace ni Valerian sa lawa kung saan naroon ang buwaya. It was an amazing sight to see. Ang lawa ay napapalibutan ng hollow blocks na mga ten feet siguro ang taas, 'tapos sa ibabaw n'on ay parang may balkonahe para sa mga titingin sa buwaya.

It was well-guarded and sealed.

Nang makarating sila sa 'taas, may lalaki doon na pinapakain ang buwaya sa pamamagitan ng paghuhulog ng mga karne.

"Mang Islaw, kumusta si Lacoste?" tanong ni Valerian sa lalaki.

"'Uy, Sir, narito pala kayo." Agad itong tumayo. "Ayos naman ho, Sir Valerian."

"Mabuti naman," sabi ni Valerian. "Sige, iwan mo na lang 'yang pagkain. Ako na ang bahala diyan. Bumalik ka na sa pamilya mo. Siya nga pala, ito si Grace," pagpapakilala nito sa kanya. "Uyab ko."

Tumawa ang lalaki. "'Buti naman, Sir, may uyab ka na. Ito ang unang beses na nagdala ka ng babae rito."

Valerian grinned. "Uyab ko nga, 'di ba? Sige, umuwi ka na."

Nang makababa ang lalaki, bumaling si Grace kay Valerian. "Anong 'uyab'?"

"Visaya language 'yon na ang ibig sabihin ay girlfriend. Taga-Visayas kasi 'yang si Mang Islaw kaya kung ano-ano ang pinagtuturo sa akin."

Tumaas ang kilay niya. "Kasintahan mo ako?"

"Hindi. Kaibigang babae slash girlfriend."

"Oh." She smiled. "Okay."

Natatawang napailing si Valerian habang isinusuot sa kamay niya ang isang bagong rubber hand gloves. "Okay, listen up, moon cake," sabi nito at itinuro ang mga fresh pang karne ng baboy at manok na nasa isang malaking pabilog na container. "Kunin mo ang karne, 'tapos ihulog mo. Dahan-dahan lang at huwag masyadong malayo kay Lacoste ang paghulog mo, okay?"

"Okay." Excited si Grace na kumuha ng karne, saka ihinagis sa 'baba, kay Lacoste. "Wow." She giggled when the crocodile ate the meat she just tossed. "Isa pa puwede?" tanong niya kay Valerian.

"Sure." Malamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Ubusin mo lahat ng karne."

"Yehey!" Masaya siyang inisa-isang ihagis sa 'baba ang mga karne na nasa malaking container. Tawa siya nang tawa kapag kinakain 'yon ng buwaya.

This is amazing! So amazing. To feed such animal. Wow! And that's thanks to Valerian.

Bumaling siya sa lalaki at nakita niyang titig na titig ito sa kanya. "Bakit?" tanong niya.

Malungkot itong ngumiti. "You remind me of someone."

Parang nalungkot din siya dahil sa malungkot nitong ngiti. Tinanggal niya ang suot na gloves, saka lumapit kay Valerian. "Sino?" usisa niya.

"Airjem, my little sister."

"Airjem?" Nanlaki ang mga mata niya. "AirJem Airlines," paanas niyang sabi. "Para sa kanya ang airlines mo?"

"She wants to be a stewardess." Bumaba ang tingin ni Valerian sa buwaya. "Katulad mo, mahilig din 'yon sa mga hayop, lalong-lalo na sa buwaya. And the way you giggle as you throw the meat to Lacoste, ganoon na ganoon siya noon. Parang luka-lukang na tumatawa habang pinapakain ang buwaya. Lacoste is a gift from her." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Her eighteenth birthday gift to me." His eyes saddened. "She died a year after that. Kaya naman alagang-alaga ko si Lacoste. Ito lang kasi ang natitirang alaala ko sa kanya. Gusto niyang maging stewardess para makapunta sa iba't ibang bansa at makakita ng iba't ibang klase ng hayop, pero maaga siyang namatay."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon