CHAPTER 28

1.7M 33.2K 6.5K
                                    

CHAPTER 28

Nagpupuyos sa galit si Grace nang makarating siya sa address na ibinigay sa kanya ni Valerian. It was a small townhouse in Baguio na pag-aari siguro nito. At hindi na niya kailangan pang kumatok—naroon na si Valerian sa labas, nakaupo sa hagdan at mukhang hinihintay ang pagdating niya.

Agad na tumibok nang mabilis ang puso niya nang makita ang lalaki. He was wearing a very simple muscle shirt in this cold weather and a khaki shorts. Nakapaa lang ito at magulo pa ang buhok. Nagwawala ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok n'on pero kailangan niyang umaktong kalmado at hindi apektado.

"Nasaan si Valerian?" tanong niya sa pormal na boses pero ang mga mata niya ay sinusuri ang bawat parte ng guwapo nitong mukha.

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "I'm here."

"Hindi ikaw ang tinutukoy ko," sabi niya.

Valerian rolled his eyes. "You know, nakalimutan kong itanong sa'yo noon." Matiim itong tumitig sa mga mata niya. "Bakit ba pinangalanan mo ang aso mo na Valerian? Ang daming pangalan. Why Valerian?"

Her tongue rolled over her lips. "Bakit ka nagtatanong? Nasaan ang aso ko?"

He smirked. "You want your dog, answer me," he bargained.

Huminga siya nang malalim. "Kasi gusto ko ang pangalang Valerian." Lumunok siya at binasa ang mga labi gamit ang dila. "Now, where's my dog?"

He sighed. "Somewhere." Tumayo ito. "Come on in." Binuksan nito ang pinto ng bahay, saka nilingon siya. "Papasok ka ba o mananatili kang nakatunganga diyan?"

Bumuntong-hininga si Grace, saka naglakad papasok sa loob ng bahay. When she entered, Valerian motioned his hand on the sofa.

"Upo ka."

"Hindi ko na kailangang umupo," mataray niyang sabi. "Just give me back my dog."

"Sit, Grace," mariing sabi ni Valerian habang naglalakad palapit sa isang mesa kung saan naroon ang isang laptop at printer.

Wala siyang ibang choice kundi ang sundin ito. Umupo siya at hinintay ang iba nitong sasabihin. Pero kinakabahan na siya. She couldn't see her dog anywhere.

Good God. Where is Valerian?

Dumako uli ang tingin niya kay Valerian. He was doing something with his laptop and then the printer started printing. Nang matapos ang pagpi-print, kinuha nito ang papel, saka naglakad palapit sa kanya at umupo sa sofa na kaharap niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Nasaan ang aso ko?" Gusto na niyang makaalis doon.

Parang sinasakal ang puso niya sa isiping kaharap nga niya ang lalaking mahal pero wala naman siyang magawa dahil kasalanan niya kung bakit nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

Valerian acted like she didn't ask him at all. Inilapag nito ang hawak na papel sa ibabaw ng round table na nasa pagitan nila, saka tumingin sa kanya nang matiim. "Grace, as a cunning businessman, I see to it that in every transaction, there will always be a written document." He tapped the paper in the table twice. "At ngayong magkakaroon tayo ng transaction—"

"Anong transaction?" naguguluhang tanong niya. "I have no business with you, Valerian."

"Doon ka nagkakamali." He leaned in to her, his eyes intimately staring at hers. "Grace, you and I will always have an unfinished business."

Tumalim ang mga mata niya. "No." Marahas siyang umiling. "I have no unfinished business with you. Umalis ako noon. At noong isang araw ay naipaliwanag ko na ang rason kung bakit. Kung nasaktan ka, nasaktan din naman ako. At 'ika mo pa nga, patas na tayo. So you and I..." She leaned in, mimicking him. "... is already finished."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon