CHAPTER 31

1.7M 34.5K 9.3K
                                    

CHAPTER 31

Maagang nagising si Grace at wala na sa tabi niya si Valerian. Nang lumabas siya ng kuwarto at hinanap ito, natagpuan niya ang lalaki sa sala at abala na naman sa harap ng laptop. He seemed focus on what he was doing.

Natulog ba ito? Napailing-iling na lang siya. Whatever he was doing seemed really important. Kaya naman nagtungo siya sa kusina, nagtimpla ng kape, saka inilapag iyon sa mesa, katabi ng laptop nito.

"Thanks, moon cake."

Grace wasn't expecting a reply, but he did. At tinawag uli siya nitong moon cake. Good heavens! Would she dare hope? O naghihiganti lang ito? Huwag naman sana.

"Welcome," tugon niya.

At dahil ayaw niyang maistorbo ito sa ginagawa, doon siya nagkape sa labas ng bahay. Dala-dala ang tasa, umupo siya sa hagdan at sumimsim ng kape habang nakatingin sa mga pine trees na nakapaligid sa bahay.

Hanggang sa maubos ang kape niya ay nanatili siyang nakaupo sa hagdanan sa labas ng bahay. She liked looking at the fog hovering the pine trees. It looked eerie wonderful.

Bahagyan siyang napaigtad nang may pumulupot sa katawan niya na balabal. Nang lingunin niya kung sino ang naglagay, nakita niya si Valerian.

"Hey." She smiled.

"Yow." Mahina itong natawa, saka umupo sa hagdanan, sa tabi niya. "Malamig dito, 'tapos naka-shorts at T-shirt ka lang. Baka magka-hypothermia ka." May pag-aalala sa boses nito.

Humilig siya sa balikat nito. "Sanay na ako sa lamig sa Japan."

"Ah." Inakbayan siya nito.

Silence fell around them. Walang nagsalita sa kanila habang nakatingin sa mga pine trees.

And then Valerian broke the silence.

"That article that you read about me kissing a woman," panimula nito. "It's true."

Parang nabingi si Grace sa narinig at namanhid ang lahat ng parte ng katawan niya. Biglang nanariwa ang sakit na naramdaman niya noon noong una niya iyong mabasa.

"G-ganoon ba?" Nag-umpisa nang manubig ang mga mata niya.

"Yes." Tumikhim ito. "That day in your clinic, sabi mo mahal mo ako. And I said I don't believe you. Well, Grace, I think I'm starting to believe it and hold on to it. Feeling ko ngayon, nag-uumpisa tayo mula simula, at ayokong mag-umpisa nang may mga bagay pa tayong hindi nasasabi at nalalaman sa bawat isa."

Humarap si Valerian sa kanya pero siya ay hindi makatingin dito dahil sa sakit na makikita nito sa kanyang mga mata.

"Grace, sa loob ng isa't kalahating taon na wala ka, I'd had my fair share of women. As cliché as it may sound, that's how I move on and cope up. Masakit ang ginawa mo sa 'kin. You fucked me up and leave me in the gutter, bleeding and licking my own fucking wounds. I'm a man who's anger and madness can surpass Hitler, so that's what I did. Alam kong hindi tama ang ginawa ko, pero hindi ko mababago 'yon. Hindi ko rin akalain na babalik ka pa kasi iniwan mo ako nang wala ka man lang sinabi. If you could've told me to wait for you, I would, pero ni ha, ni ho, wala. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?" Huminga ito nang malalim. "I'm not saying na intindihin mo ang mga ginawa ko. Hindi ko rin sinasabi na patawarin mo ako. Sinasabi ko sa 'yo ang mga bagay na 'to kasi gusto kong malaman mo ang lahat, bago mo sabihin uli na mahal mo ako." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Can you love a man like me, Grace? Can you forget everything I did in that one and a half year that you were gone?"

Parang dinudurog ang puso niya sa sakit, hindi siya makapagsalita. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hindi niya napigilan ang luha na nalaglag mula roon.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon