CHAPTER 4

2M 42.7K 9.2K
                                    

CHAPTER 4

The moon cake finally arrived, pero gabi na kaya napagdesisyunan ni Valerian na sa umaga na 'yon dalhin kay Grace.

When morning came, he was actually excited to see Grace again. Napapailing-iling na lang siya sa nararamdaman. Oo nga at bago ang emosyong 'yon sa kanya pero hindi naman siya clueless kung ano ang tawag do'n.

That feeling growing inside him was disastrous in the highest form. And fuck it to hell, it seemed that he didn't give a fucking damn.

On the way to Grace clinic—first name basis na siya ngayon—Knight called him.

Ang kulit talaga ng Kastilang 'to kahit kailan. Nakakairita ang kakulitan. Why is he my best friend anyway?

How many times did he disown Knight as his best friend? Many times. Pero walang epekto 'yon kay Knight kasi makapal ang pagmumukha ng lalaki.

"Ano na naman ang kailangan mo?" tanong niya.

"I asked Shun Kim."

He frowned. "What?"

"I asked Shun Kim about Grace Oquendo."

Fuck! Fuck! Fuck! "And what did you find out, fucker?" tanong niya sa kalmadong boses pero may giyera sa loob-loob niya.

"Well..." Huminga muna ito nang malalim. "Nalaman kong may clinic siya at narito ako ngayon sa labas at papasok na."

Shit! This is a fucking 911 emergency.

Pinatay ni Valerian ang tawag at ibinato ang cell phone sa passenger seat, saka inapakan ang silinyador para bumilis ang takbo ng kotse niya. Para siyang nakikipagkarera kay Kamatayan sa bilis ng takbo ng kotse.

In less than five minutes, nakarating siya sa clinic ni Grace at nagmamadaling pumasok dala-dala ang tatlong box ng moon cake. Naabutan niya si Knight na maganang nakikipag-usap sa babae.

Natigilan siya nang makaramdam ng inis dahil na nakikita. What the fuck?! Oo nga at palagi siyang inis kay Knight pero hindi naman niya ginustong pilipitin ang leeg nito tulad ngayon.

Tumikhim siya para makuha ang atensiyon ng dalawa.

Grace smiled at him and his irritation magically disappeared. Well, what do you know? A single fucking smile can make me feel calm.

Valerian could feel it. A disaster was about to strike his calm life. It wasn't good but could he prevent it from happening?

Let's see what happen next.

"Hello, Mr. Volkzki," bati sa kanya ni Grace. "Kumusta na ang aso mong si Knight? Sumasakit pa ba ang paa niya?"

Tinaasan siya ng kilay ni Knight, saka bumaling kay Grace. "Tell me, beautiful Grace, ano'ng nangyari sa aso niyang si Knight? At sa pagkakaalam ko, napakalayo ng bahay ni Valerian dito sa clinic mo. And to add some weird information, may vet clinic sa village namin."

"Nahulog sa hagdan ang aso niya," sagot ng babae at kumunot ang noo. "Magkakilala kayong dalawa?"

Knight grinned. "Yes. We're best of friends." Bumaling ito sa kanya, nakataas ang sulok ng mga labi. "Hmm. Funny. Nahulog din ako sa hagdan kahapon. At kapangalan ko pa ang aso niya." Tumawa pa ang loko, saka naglakad palabas ng clinic.

Nang magkasalubong sila, tinapik ni Knight ang balikat niya.

"I like her for you, buddy. Work your effing charm. Mukhang mahihirapan ka sa isang 'yan. Masyado siyang inosente sa mga berdeng bagay sa mundo. Looks like she had been sheltered too much."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon