CHAPTER 35

1.6M 33K 3.4K
                                    

CHAPTER 35

Dala ni Valerian ang aso ni Grace at saka isang box ng moon cake habang papasok sa bahay niya. Excited na siyang makita ang nakangiti at masayang mukha ni Grace kapag nakita nito ang aso at ang moon cake.

"Moon cake?" tawag niya rito nang makapasok sa bahay. "Moon cake?"

It's already past six, kaya nasisiguro niyang nakauwi na ito ngayon.

"Moon cake, I have something for you!" sigaw niya habang nakatingala sa hagdanan. "Come down, moon cake!"

Naghintay siya ng ilang minuto pero walang bumaba. He sighed and went to his room. Napakunot ang noo niya nang makitang wala doon ang babae.

Mabilis siyang bumaba at nagtungo sa kusina. No one was there. Inilapag niya ang box ng moon cake sa island counter at ang aso sa sahig, saka tinawagan si Grace.

Error in connection.

His frowned deepened even more. Nandoon pa ba ito sa clinic? Why couldn't he contact her? He was starting to panic. Nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya sa kaba at nanlalamig ang mga kamay niya.

Fuck! Sana naman hindi siya nito iniwan tulad noon. Naniniwala siya na hindi na siya nito iiwan uli, pero naroon pa rin ang takot na baka nga iniwan na naman siya nito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at kinalma ang sarili. No, she won't leave me. Baka nandoon pa siya sa clinic at may pasyente pa.

Mabilis niyang ini-lock ang bahay, saka nagmaneho patungo sa clinic ni Grace.

His heart dropped when he saw it close.

"Fuck! No!"

Mabilis na kinabig ni Valerian ang manibela, saka pinaharurot iyon patungo sa condo ni Grace.

Nasa elevator pa lang siya patungo sa floor ng unit ni Grace, nanlalamig na ang mga kamay niya. For the second time, he felt fear again. At dahil iyon sa kay Grace.

At trumiple pa ang naramdaman niyang takot nang malamang naka-lock ang pinto ng condo ni Grace at kahit anong katok niya ay walang nagbubukas.

Napasabunot siya sa sariling buhok. "No... no... she didn't leave me... no!"

Para siyang mabaliw nang makabalik sa loob ng sasakyan. He wanted to pull his hair out in so much anger. Gusto niyang manuntok at manipa. He wanted to be violent at that moment. Ang galit at takot sa dibdib niya ay naghalo, naging isa iyong emosyon na kahit ang pagmamahal niya kay Grace ay hindi makakapawi.

Then his phone rang.

Mabilis na dumako ang paningin niya sa dashboard kung nasaan ang cell phone niya at para siyang hinugot mula sa kumunoy ng poot nang makita kung sino ang tumatawag.

Mabilis niyang sinagot 'yon. "Grace, where the fuck are you?!" sigaw niya sa nasa kabilang linya. "Alam mo bang takot na takot ako baka iniwan mo na naman ako?! Answer me, Grace! Where the hell are you?!"

"I'm sorry." Humihikbi ito. "Kanina pa sana kita tinawagan kaya lang ngayon lang ako nakahanap ng paglakataon. Nasa ICU si Daddy. Hindi ko siya kayang iwan. Baby, I'm sorry hindi ako nakapagpaalam. I didn't mean to scare you like that. I'm sorry. I'm really sorry."

Sapat na ang pag-iyak ni Grace para mawala ang galit na namuo sa dibdib niya kanina.

"It's okay," sabi niya. "I understand. Nasaan ka ngayon, pupuntahan kita."

Ilang segundong nawalan ng imik si Grace. "Ahm..."

"Moon cake, tell me," may diin niyang sabi.

"But, Valerian,"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon