CHAPTER 17

1.8M 35.2K 6.7K
                                    

CHAPTER 17

Maraming naging pasyente si Grace sa araw na 'yon. Halos hindi niya namalayan na hapon na. Sa sobrang dami, nakalimutan na niyang kumain ng lunch dahil naging abala siya.

Pabagsak siyang naupo sa swivel chair nang wala nang tao sa clinic. At last, makakapagpahinga na rin siya.

Kinuha niya ang cell phone sa bag, saka tiningnan kung may mensahe siyang natanggap.

Thirty-five miscalls and twenty messages.

Napanganga siya. At lahat 'yon ay galing kay Valerian. Holy mother of God. Baka nag-alala 'yon nang hindi niya sinasagot ang tawag.

Akmang tatawagan niya si Valerian nang bumukas ang pinto ng clinic.

"I was worried, damn it!" It was Valerian who entered, and he was fuming mad. "Hindi mo sinasagot ang tawag ko, hindi ka nagre-reply sa text ko. Fuck, Grace, mababaliw ako sa pag-aalala sa 'yo. Dapat nasa board meeting ako ngayon, but I'm here because I'm fucking worried that something bad happened to you and—"

"I was busy," sansala niya sa iba nitong sasabihin. "Pasensiya na. Ang dami ko kasing pasyente."

Lumambot ang mukha nito. "God, Grace." Bumuntong-hininga ito. "I was so worried."

"I know. Nakikita ko sa mukha mo," sabi niya saka lumapit dito at kinuha ang aso niyang si Valerian na karga-karga nito. "Pasensiya na. Hindi ko sinasadyang pag-alalahin ka. Marami lang talaga akong pasyente kaya hindi ko napansin na tumatawag ka." Ginawaran niya ng halik ang mga labi nito. "Sorry na, huwag ka nang magalit," paglalambing niya, saka niyakap ito sa baywang. "Hindi na po mauulit."

Valerian sighed. "Para namang kaya kong magalit sa 'yo nang matagal. Nag-alala lang talaga ako sa 'yo nang sobra. Akala ko napano ka na." Sinapo nito ang mukha niya, saka hinaplos ng hinalalaki ang pisngi niya. "Nawala na ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko, ayokong mawalan uli ng isa pa, moon cake. Lalong-lalo na kung ikaw ang mawawala sa akin. Truth to be told, I'm afraid to lose you." He pressed his forehead against hers. "You become a vital part of my life and losing you is like losing a part of my body, maybe my heart."

Naguluhan si Grace. "Valerian, hindi ko kukunin ang puso mo kung aalis man ako. Ayaw kong mamatay ka. Baliw ka talaga."

Mahina itong natawa. "Aww. My very literal thinker moon cake." He pressed his lips on hers. "Ito na lang." Nginitian siya nito. "Ikaw ang puso ko. Kaya kung mawawala ka, para na ring nawala ang puso ko."

'Yon ang nagpangiti sa kanya nang sobrang lapad. Tumibok nang mabilis ang puso niya kasabay ng kilig na naramdaman. "I am your heart?"

"Yes."

"You are my heart too," madamdaming sabi niya. "Kaya huwag kang mawawala dahil mamamatay ako. Figuratively speaking," pahabol niya na ikinatawa ni Valerian. "Anyway, wala pang alas-singko. Bumalik ka na sa office mo. Didn't you tell me that you should be in a board meeting right now—"

"Fuck! Fuck!"

Napangiwi siya sa pagmumura na naman nito. "Valerian!"

"Sorry." Napangiwi ang lalaki. "Sige, aalis na ako." He kissed her lips. "Sunduin kita mamaya sa condo mo."

She instantly smiled. "Yes, Sir."

Nagdilim ang mukha ni Valerian. "Don't call me that."

Napakagat-labi si Grace. "Sorry, baby."

Doon lumiwanag ang mukha ni Valerian. "Great." Hinalikan uli siya nito, saka nagmamadaling lumabas ng clinic niya.

Napangiti siya habang nakatingin kay Valerian na nagmamadaling sumakay sa black sedan nito.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon