CHAPTER 15 : angel keychain

Start from the beginning
                                    

 

She look at me with a confused look. “ha? Bakit huli?”

 

“eh kasi marunong ka mag drive at meron ka ng student license. Im sure lagi mo ng gugustuhing mag drive diba?” pagpapalusot ko.

“hmm sabagay. Oh tara na! baka naghihintay na sila tita satin.”

 

Sumakay na kami at ako na nga ang nagdrive. Sa tabi ko si Gaille at sa likod naman si Kier.

Nang makarating kami sa bahay. Nilipat na namin yung gamit nung magkapatid sa van na gagamitin namin.

Si Daddy na daw ang magddrive hanggang sa resort. 3 hours ang byahe namin simula sa bahay hanggang sa resort. Sa pinakalikod kami ni Gaille umupo. Habang sa harap namin si Kier at ang kapatid kong  si Belle. Tapos sila Mom at Dad sa harap nila.

Buong byahe kaming nagkukulitan ni Gaille. Naglalambingan. Sobra ko ng sinusulit ang lahat dahil nararamdaman ko ng malapit na. malapit na akong mawala.

Hapon na ng makarating kami sa resort. Magkatabi ang room namin ni Gaille at sa kabilang wing yung room nila Kier at belle na magkatabi din tapos sila dad sa Center room.

Ako, si Dad at Kier ang incharge sa pag iihaw. Ayaw nila dad at kier na tumulong pa ako, pero gusto ko kasi. Baka huling araw ko na to. Kaya sinusulit ko na. habang ang mga girls which is Mom, Gaille and Belle andun sa kusina at niluluto ang iba pa.

Masaya kaming kumain ng dinner. Puro tawanan. Kitang kita ko ang saya sa mukha ng angel ko. sana pag wala na ako, Makita padin yan sa kanya. Sana walang magbago sa kanya.

After dinner, nag sipag akyatan na kami sa mga kwarto namin.

Humiga ako sa kama ko. bukas ko nalang sasabihin sa kanya. Handa na ako.  Bukas ko na ipagtatapat sa kanya.

I close my eyes para matulog na pero sa tuwing pumipikit ako mukha niya ang nakikita ko. gusto ko siyang Makita. Sana di pa siya tulog.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now