Chapter 7: The Wish

Start from the beginning
                                    

"Grabe!!! Bagay nga kayo!!"

Kung anu-anu na lang ang naririnig ko…halah!bahala na nga silang mamaos dyan…hehe

Habang naglalakad kami paakyat ng stage ay ramdam na ramdam ko ang mga tinging nakapukol sa'amin… parang tinatablan tuloy ako ng kaba at hiya!

At nang tuluyan na kaming makaakyat ay dumagungdong ang hiyawan at palakpakan…

Tinawag ng emcee ang prince and princess last year para ibigay na sa'min ang crown at sash… hindi ko maiwasan na hindi mailang ng ipatong na sa'kin ni kath ang crown!iba talaga siya kung tumitig sa'kin eh!parang may lihim na galit…

"… PRESENTING OUR NEW PRINCE AND PRINCESS……"

"Yun oh!!! SARDONYX!! THE SECTION AND TRUE HOME OF ROYALTIES!!CHEERS…!"… sigaw ni Loki at itinaas talaga ang baso niya.. Rinig mula dito ang tunog ng mga basong pinag-untog nila..

MGA BALIW!! Haha

"DAHIL DYAN!!SAYAWAN NA!!!

……… BUT LET US THE PRINCE AND PRINCESS TAKE FIRST THEIR VERY FIRST DANCE… so …"… tumingin ang dalawang emcee sa'min ni Bro… "YOU MAY NOW TAKE THE DANCEFLOOR…"

Nang matapos dumada ng emcee ay nagsipatayan na ang ibang ilaw… at mga mumunting ilaw na lang ang natira… nagplay na din ang kanta ni David Pomeranz which is "King and Queen of the heart".

Parang mali naman yung kantang ipinatugtog nila eh.. wala bang kantang PRINCE AND PRINCESS OF THE NIGHT?? Para naman swak na swak sa'min..di ba??hahaha

Nakatutok naman sa'min ang spotlight…

"may i??"… nakatawang tanung ni Bro at muling inilahad ang kamay sa'kin na agad ko namang inabot para matapos na at makabalik na kami sa mesa namin..nakakahiya kaya dito sa unahan..

Inilagay ko ang isang kamay ko sa may tapat ng dibdib niya at ang isa naman ay ipinatong ko sa balikat niya..siya naman ay inilagay ang mga kamay sa bewang ko..

"First dance mo?" Tanung niya sa 'kin..

"Hindi ah.. sa katunayan nga pang-isang milyon ka na eh,," biro ko sabay flip ng buhok..

"Yabang hahaha..Oo na tibay mo..ganda eh ganda.." tapos ginulo na naman niya ang buhok ko.. hmpft!

"haha i know right.. ikaw lang naman 'tong mahina eh.. torpe mo kasi Bro eh.. gusto mong isayaw siya nuh??".. ito kasing bro ko eh..may gusto sa isang babae pero hindi naman maamin-amin.. tss!torpemuch…haha…"Bro namumula ka!haha…"

"Hindi ah!"

"Gusto mo bigyan pa kita ng salamin para makita mu yang mukha mong nangangamatis na sa pula...haha Bro naman.. kahit naka- dim pa ang ilaw.. halatang-halata ka.. wag ng mag-deny.. "..

"..ewan ko sa'yo..".. bumitaw siya sa'kin at naglakad na pababa ng stage.. aba!! Iniwan ako!walang modo..

Ngayon ko lang din napansin na madami na ang nagsasayaw sa dancefloor..

Habang sinusundan ko si Prince Walk-out ay nakita ko sina Maine at loki na nagsasayaw ganun na din sina Kesha at Louie..

Naupo si Bro sa dating inupuan niya kaya naupo din ako sa tabi niya..

"Anu ba kasing problema mo't hindi mo masabi-sabi sa kanya na gusto mo siya.. mauunahan ka niyan eh.," napanguso naman siya sa sinabi ko.

"Panu kung i-reject niya ako?"

"Hay naku!ang duwag naman… panu kung may gusto din siya sa'yo?? Pano mo kasi malalaman eh hindi mo naman sinusubukan… haixtz!! Ikaw ang kuya ko pero ako pa 'yung nagbibigay ng advice sa'yo… hanep lang nuh!!"… ba't ba kasi ang duwag nitong lalaking 'to…hay!!sarap kaladkarin papunta sa babaeng yun at paaminin!haha!anu nga kaya??gawin ko kaya…haha

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now