Nanlaki ang mata ni Jacob habang hinahalikan siya ni Jasmine. Nakatunganga lang siya. Hindi niya itinulak o pinagalitan man lang sa paghalik. Tumunganga lang siya dun at nabigla habang ginagawa iyon ni Jasmine.

Bakit? Kasi maganda si Jasmine, mas magaling sakin sa halos lahat ng bagay kaya pagbibigyan niya. DAMN! DAMN! Tangina! I knoooow... Hindi mabuti itong mga iniisip ko. Pero hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang kahit anong dahilan ni Jac- sa nangyari. Nagtimpi ako. Pinilit ko ang sarili kong wa'g mag isip ng masama kahit na punong-puno na ako ng pagdududa at bigla ko na lag silang nakitang ganun ang ginagawa. Mabuti na lang at di ako nagpakita, baka hindi ko masaksihan ang kataksilang ginawa ni Jac- kung agad akong nagpakita. Baka hindi ko naabutan yung halik!

Nilagok ko ulit ang isang baso.

"TARA NA GUYS!"

What? It's been two hours? Talaga? Hindi ko namalayan ang panahon ah?

"Okay ba tong soot ko?" Tanong ni Jamie habang inaayos ang puting dress niya.

"Oo naman, magkakulay pa tayo." Sabi ko habang iniinda ang sakit ng ulo ko.

Umiikot na yung mundo ko pero patuloy ako sa paglalakad.

Tumawa si Jamie, "Oo nga! Tignan mo si Angela, nakawhite din!" Tumawa ulit siya.

"Oo, pero itong si Riza at Kian kung makapaglampungan alam na alam ng red eh." Hindi ko masyadong na gets yung sinabi ng kaibigan ni Jamie.

Ah, siguro dahil sa alak ito. Binalewala ko na lang ang lahat at inayos ang pagalalakad ko.

Sumakay kami sa sasakyan ni Brandon. As usual, ako na naman ang pinag front seat nila. Wala rin naman akong pakealam kasi hindi naman ako masyadong kinakausap ni Brandon. Mukha pa nga siyang galit. Padabog pa siya kung makapagmaneho at tuwing tinitignan ko siya ay naiirita lang siya.

"Anong problema mo?" Tanong ko.

"Wala." Aniya pero diretso ang tingin niya sa kalsada.

Nagtatawanan naman sina Jamie sa likuran habang pinag-uusapan yung mga naka-red sa kabilang sasakyan. Nandun sina Kian at Riza na wagas daw kung makapaglampungan.

"We're heeeere!" Sigaw ni Angela nang nakarating na kami.

Ngayon ko lang narealize na nakaputi pala kaming lahat dito sa sasakyan ni Brandon. Nakaputi din si Brandon. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging soot namin. Usually kasi pag night out, black yung mabenta. Kaya nagputi ako sa ngayon dahil nababanas ako sa kakablack tuwing night out.

Bumaba kami sa sasakyan ni Brandon. Nagtatawanan parin sina Angela at Jamie. Natapilok pa ako sa isang gutter.

"ROSIE! Mag ingat ka naman!" Sigaw ni Brandon.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon