18. Abandonada

55 3 0
                                    


abandonada

Mula sa last days ng shooting ng movie, hanggang sa pag-pro-promote nito, persona non grata ang treatment ng buong cast and crew kay Elena.

And that whole time, hindi na nakalapit si Elena kay Claire. Lagi na lang nakapaligid sina direk Marlon, Mr. Dagnay, ang manager na si Joji Santiago, leading man/boyfriend Alex at best friend Larissa kay Claire. Parang pino-protektahan nila si Claire laban kay Elena. Para kay Elena, silang lima ang barrier between her and her idol.

Successful ang premiere night, big hit ang opening day at glowing reviews sa acting ni Claire ang lahat ng critics. Basura ang pelikula but the movie was a resounding success.

Masayang-masaya si Elena para kay Claire. Finally, eto na ang extra boost for Claire to finally be considered as not just a young superstar but a movie queen as well. Matagal nang inaasam ni Elena ito para sa kanyang idol.

"Sa first four days pa lang, naka sixty million pesos na ang 'Itay Huwag Po: The Elena Magtanggol Story'. Congratulations kay Claire Guilmar at sa Dagnay Films," a newsreporter announces sa TV.

Pinapanood ni Elena ang above report habang nagbibihis ito ng pang-party.

Nag-cut sa commercial for Clinique face cream ang programa. Featured sa ad si Larissa.

"Time for my beauty routine!" say ni Larissa sa commercial habang nag-a-apply ng cream sa kanyang pretty face.

Umasim ang mukha ni Elena sa close-up ni Larissa. Pinatay nito ang TV sabay alis.


bukas, luluhod ang mga tala

May victory party sa mansion ni Mr. Dagnay. Ang buong cast and crew ay nandoon, except si Elena, na ayaw papasukin ng security guard sa gate. Ang masakit pa, in full view in Elena through the giant windows ang party na nagaganap sa loob ng mansion.

"Sorry po, Miss, pero wala kayo sa guest list. Mahigpit ho ang bilin sa amin na huwag magpapasok ng wala sa guest list."

"Hindi niyo po ba 'ko kilala? Ako yung ginawan nila ng pelikula. Parang awa niyo na po, sir."

Mukhang naawa ang security guard.

Sa loob ng mansion, pinalilibutan ng press people si Claire. This is her moment. The term 'new megastar' was being bandied about.

Parang proud papas sina Mr. Dagnay, direk Marlon at Joji habang ino-obserbahan nila ang press people na parang bubuyog na nakapaligid kay Claire.

"She's finally arrived," declared ni Joji habang may ibinubulong kay Mr. Dagnay ang security guard. Tumingin sa labas ng bintana si Mr. Dagnay. Tingin din sina direk Marlon at Joji.

Sa labas ng gate, nakita nila si Elena na parang tutang naghahanap ng amo.

Nagmartsa palabas ang tatlo, followed by Larissa and Alex na na-curious kung ano'ng nangyayari. Oblivious si Claire dahil nakiki-tsika ito sa press.

Magkahalong galit at takot ang naramdaman ni Elena nang makita sina Mr. Dagnay, direk Marlon, Joji, Alex at Larissa who are on the march towards her.

"What the fuck are you doing here?" atake agad ni Larissa na pinigilan ni Mr. Dagnay.

"Elena, maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa pelikula," marahang sabi ng producer. "Pero tapos na ang lahat. Let's just move on, okay?"

"Gusto ko lang hong makita si Claire."

"I'm afraid that won't happen, Elena," mariing sabi ni direk Marlon.

"We won't let that happen," pamewang ng manager na si Joji Santiago.

"We don't want you here," putak ni Larissa.

"Please, umalis ka na, Elena," sabi ni Mr. Dagnay.

"Go the fuck home, bitch!" tahol naman ni Alex.

Isa-isa silang tinitigan ni Elena, sabay iyak.

"Bakit niyo ko pinagkakaisahan..."

Larissa: "Are you really that dumb? You creep us out. You're fucking weird!"

"...bakit ayaw niyo kong mapalapit kay Claire? Yung lang naman ang gusto ko, ang mapalapit kay Claire..."

Direk Marlon: "Elena, nakikinig ka ba sa sinasabi namin?"

"...bata pa 'ko mapalapit lang kay Claire ang pangarap ko..."

Larissa: "My god, she's insane!"

"...bakit pinagkakaila niyo sa sa akin..."

Alex: "What a crazy bitch!"

"...bakit niyo kami pinaglalayo..."

Joji Santiago: "Nasisiraan na 'to. Na-Brenda Del Rio na ata."

"...gusto ko lang mapalapit kay Claire..."

Mr. Dagnay: "Elena, tama na."

"...yun lang ang pangarap ko, ang mapalapit sa kanya..."

Larissa: "Jesus Christ! This is pathetic!"

"...bakit niyo hinahadlangan ang pangarap ko? Bakit ayaw niyo kong mapalapit kay Claire..."

Marlon Umeres: "This is getting nowhere. Let's go."

Lumakad pabalik sa mansion ang lima. At bigla namang nagmistulang asong ulol si Elena.

"Gagawin ko ang lahat mapasakin lang si Claire!"

Huminto si Larissa. She turns dramatically towars Elena.

"Over my dead body. Bitch!"


babangon ako't dudurugin kita

That night, nanaginip si Elena. It involved her mother Alicia, yung araw na umalis ito. Paulit-ulit na sinasabing "Gawin mo ang lahat para matupad ang mga pangarap mo. Gawin mo ang lahat. Gawin mo ang lahat...".

Tapos biglang bumukas ang pinto at tinangay ng malakas na hangin ang kanyang ina.

Hinabol ni Elena si Alicia sa panaginip nito, pero lalong lumalayo ito, tangay pa rin ng hangin.

Sigaw nang sigaw si Elena, tinatawag ang ina. "Inay! Huwag n'yo kong iwan!" Pero hindi nito naririnig si Elena. Nang finally ay narinig ito, her mother turns around, pero hindi na ito si Alicia.

Si Claire na.

"Aalis na 'ko Elena. Matutupad na rin ang pangarap ko. Iiwan ko na nag lahat. Ang lahat-lahat. Malaya na ako," ang laging sinasabi ni Claire sa bangungot na ito.

At parang bula, nawala si Claire. Bumulaga naman sa harap ni Elena sina Mr. Dagnay, Marlon, Larissa, Alex at Joji Santiago. Nasa background naman ang 4th grade teacher ni Elena na si Mrs. Cabangon at ang mga mapang-aping former neighbors ni Elena. Lahat sila, pinagtatawanan si Elena.

Amidst the laughter, naririnig pa rin ni Elena ang boses ng ina.

"Gawin mo ang lahat para matupad ang mga pangarap mo. Gawin mo ang lahat. Gawin mo ang lahat..."

Biglang bumukas ang mga mata ni Elena. Galit at poot lamang ang nilalaman nito.




Movie FanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang