16. Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili

67 3 0
                                    


ang babaeng nawawala sa sarili

Nagshu-shooting sa Ermita sina Claire. During the break, kinausap siya ng kanyang manager na si Joji Santiago.

"Ano ba'ng magagawa ko eh yun ang gusto nila. The actress and the real life character she's portraying, together on one stage. O di ba? In fairness, may dating. And anyway, kung tatanggihan natin ang gusto ng Star Awards, baka hindi ka nila i-nominate next year."

"Fine. Basta sa stage lang kami magkasama. Please keep her away from me, Kuya Joji."

Speaking of the devil, dumating sa set si Elena.

"Ano'ng ginagawa niya dito? Bakit hindi pa siya barred from the set?" may alarma ang boses ni Claire.

"Let's just put up with her, hija. Kailangan pa natin siya sa promo. Pag naipalabas na ang movie, then, tsugi na siya."

Umupo si Elena within earshot ni Claire, ang tigas ng titig niya para kay Claire.

Isang production assistant ang lumapit kay Claire.

"Ms. Claire, si Monette nandito with the gown designs para sa Star Awards."

"That's 'Monette!' with an exclamation point, tonta!" entra ni Monette!, ang pinakabaklang baklita sa baklang lupa, kasama ang isang super-guwaping na papador. "Hello, Claire," ear to ear smile na greeting ng designer.

"Hello po." Beso-beso ang dalawa.

Pero kung gaano ka-friendly si Monette! kay Claire, napaka-asim naman ng greeting nito kay Joji.

"I see you're still alive. Akala ko kinuha ka na ni Lord."

"Oh, Monette, don't be a bitch in front of your apo," reply ni Joji, referring to Monette!'s hunky chaperone.

Magre-react na sana si Monette! nang hilahin siya sa dressing room ni Claire.

"Tita Monette! Let's see the designs na."

Habang papasok si Monette! sa dressing room, nag-irapan sila ni Joji.

"Ano ba ang pinag-awayan niyo, Kuya Joji?" tanong ng production assistant.

"Ni-report ko kasi sa show ko na may AIDS siya."

"Is that true?"

"How the hell would I know? I'm a reporter, not a journalist."

Pagkatapos mapili ni Claire ang gown design, lumabas sa dressing room si Monette! at ang hunky papa niya. Hawak ni Monette! ang design niya.

"I knew magugustuhan niya itong black gown. It's the best one. What do you think, Troy?"

"Uhm..." Papador Troy doesn't think.

"Magpa-cute ka na lang. Eto, ilagay mo sa kotse at gusto kong makita yung next scene nila." Ibinigay ni Monette! sa kanyang boytoy ang design na napili ni Claire.

Iniwan ni Troy ang design sa passenger seat ng kotse ni Monette! pero nakalimutang i-lock ito dahil na-distract siya sa kaguwapuhan ng reflection niya sa bintana ng kotse.

Sa reflection ding iyon, nakita niya ang isang prosti na umaaligid sa kanya. Nagkatinginan sila. Nagbigay ang prosti ng signal na sundan siya. Sunod naman si papa Troy.

Perfect timing ito kay Elena. Sunggab agad sa design mula sa kotse at biglang takbo.

Sa isang office store, nagtataka ang clerk kung bakit may gown design ang isang babaeng putik na tulad ni Elena. "Pang-debut mo?" may pangungutyang tanong nito kay Elena, habang sine-xerox ang design para kay Elena.

Hindi sumagot si Elena.

Pagka-xerox, balik agad siya sa set at inilagay sa pinagkuhaan ang design. Patay malisya siyang lumayo sa kotse ni Monette!.


hahamakin lahat

Sa isang TV screen ay palabas ang isang showbiz talk show, hosted by two dumb reporters.

Bobitang reporter #1: "Mamayang gabi na po ang Star Awards. As usual, mahigpit na magkalaban sa Best Actress sina Claire at Jessa. Hindi raw darating si Jessa tonight. Is it because she's in a coma?"

Bobitang reporter #2: "The question, mare, is, makakuha kaya ng sympathetic votes si Jessa dahil sa kalagayan niya, o eto na kaya finally ang chance ni Claire na magka-award? It should be noted that Claire is nominated twice this year for 'Cannibal Yaya' and for Gil Portes' digital indie film 'Bisikleta' which is the greatest movie ever made in history."

"I agree."

"Owww? Napanood mo?"

"Actually, hindi."

"Ako rin. Anyways, back to Jessa Velez. Her fans started a movement called 'Piso Para Kay Jessa' para may pambayad sa life support ang idol nilang nasa coma."

Pinapanood ni Elena ang above showbiz report in her room habang may inaayos siya sa isang malaking dress box.

~

Inaayusan naman sina Claire at Joji ng isang famous hairstylist.

"Claire, balita ko, you'll soon be joining the soap opera bandwagon. Bakit naman?"

"Ay naku, dala ng matinding pangangailangan," sambad ni Joji. "Cost-cutting kasi ang major film studios, kaya nga pinatulan na rin namin yung offer ng El Nino Films kahit na medyo chaka ang project. At least hindi nababakante si Claire. Anyway, there's also one from FLT, where Claire plays a transsexual rapist na naging born again. Romantic comedy yun na thriller ang dating at based sa isang play ni Nick Joaquin, or was it a komiks serial by Caparas? Anyway, they're all the same naman. Tapos may shows pa siya sa L.A. and Japan and sa Cebu at mall appearances sa Cainta and Bacolod, not to mention yung commercials niya for Ola and Kotex."

"My god, Claire, hindi ka ba napapagod," genuinely concerned ang hairstylist.

"Naku, hindi napapagod yan," defensive na pagharang ni Joji. "Pare-pareho lang naman yung mga pelikula niya. All she has to do is show up and do what she does in every movie. That way, nakakarami kami. Di ba, Claire?"

Matabang na ngiti lamang ang sagot ni Claire habang naglalagay ng finishing touches sa kanyang hairdo ang hairstylist.

"And we're done! Tada!"

Very pleased si Claire sa 1920-s era Louise Brooks bob hairstyle niya.

"Sigurado ko, you'll stand out tonight. And with that dress you picked, I'm sure ikaw ang Star of the Night," proud na proclamation ng hairstylist.

Lingid sa kanilang kaalaman, nakatayo si Elena sa labas ng salon at kumukuha ng Polaroids ni Claire.




Movie FanWhere stories live. Discover now