7. Sa Aking Mga Kamay

56 3 0
                                    

sa aking mga kamay

Madaling araw sa squatter's area. Lahat ay tulog pa. Tahimik. Kahit ang mga manok, nag-snooze alarm muna sa kanilang tilaok.

Hanggang ang katahimikan ay nabulabol ng kahimbal-himbal na sigaw.

Si Elena, duguan, tumakbo papalayo sa kanyang barung-barong, sumisigaw. "Tulong! Tulungan niyo ko!"

Later that day, ang squatter's area ay nagmistulang circus na naman. Reporters, pulis, medics, usyuseros at usyuseras.

Tinakpan ng isang medic ang patay at duguan na si Julio. Nagpa-flash ang cameras ng mga photographers.

Tangay ng mga pulis si Elena papunta sa police car. Mukhang in a state of shock si Elena. Sinusundan sila ng mga reporters.

"Elena! Elena! Paano mo pinatay ang tatay mo?" tanong ng isang uhuging reporter.

Wicked ang smile ni Elena.

"Ganito!" Idenemonstrate niya ang pagsaksak. "Tsak! Tsak! Tsak!"

Shocked (and yet delighted) ang lahat.

Isinakay sa police car si Elena. Habang papaalis, kumakaway si Elena sa mga kapitbahay. Feeling niya artista siya sa festival float.

"Buti pa si Elena, sikat na," inggit na sabi ng pandat na duling.

"Sino kaya ang bida sa movie niya? Judy Ann Santos, Claire Guilmar o si Jessa Velez?" mas inggit na sabi ng baklang bungi.


bulaklak sa city jail

Ini-interview ni Butch Francisco ang megastar archrival ni Claire na si Jessa Velez.

"I'm sure na nabalitaan mo na ang latest squatter's area homicide. If ever na gawan nila ng movie ito, interesado ka ba?"

"Oh, yes, kuya Butch. Very intriguing ang character eh. She seems so whacked out. Pang-award."

"Hindi ka ba nag-aalangan na si Claire Guilmar ang tinataguriang homicide queen? If you do this movie, you'll get compared to her even more."

Biglang taray si Jessa. "First of all, I don't get compared to her; she gets compared to me. Because I'm the one who sets the standard for everyone else. And I'm sure I can do this role much better than any other actresses out there."

"Oh yes, Jessa. You can do no wrong talaga."

Pinapalabas ang interview na ito sa police station. Nasa holding cell si Elena na pilit sinisilip ang TV habang nagwawala.

"Si Claire ang gaganap sa 'kin! Hindi ang bruhang yan! Si Claire ang gaganap sa 'kin!"

A few feet away, sa lobby, kausap ng tabatsoy na pulis si Aileen De Ocampo, isang high-profile, high-class na attorney in her 30s.

"Attorney, paano ka makakatulog sa gabi knowing na ang ipagtatanggol mo ay isang self-confessed murderer?"

Charming and strong ang dating ni Aileen. "There's more to this than meets the eye, officer. Someone as sweet and young as Elena Magtanggol couldn't possibly kill her father for nothing. I'm sure there's a legitimate reason for what she did."

Sinilip ni Aileen si Elena na nagwawala pa rin.

"I mean look at her. She is obviously extremely traumatized. She may not even know the severity of what she did. She's the victim here and she needs my help."

Movie FanWhere stories live. Discover now