12. Close To You

51 3 0
                                    


close to you

Nagse-set-up ang film crew sa dating squatters' area ni Elena. Lahat ng dating nanood sa kadramahan ng pamilya ni Elena, nandito ngayon upang mapanood ang pagsasapelikula ng mga kadramahang iyon. Full circle, inga nga.

Lumabas mula sa isang luxury car si Claire. Napa-WOW ang mga squatters, pero mas lalo silang namangha nang makitang ang kasunod na lumabas kay Claire ay si Elena.

"Ay! Ang ganda na ng ayos niya!" hiyaw ng pandak at duling na hitad.

"At pumuti pa! Bongga!" kilig na pahabol naman ng bunging bakla.

Side by side na nag-walk past sina Claire at Elena sa mga taga-squatters.

"Patayin mo sila sa inggit, Elena," bulong ni Claire sa bago niyang BFF. "Nabasa ko sa script kung paano ka nila inapi noon."

Dumila si Elena sa mga dating kapitbahay sabay flash ng nang-aasar na ngiti. Ang mga kapitbahay, natameme sa inggit!


bakit di totohanin?

Nagshooting for the next couple of weeks si Claire. At everyday, nandun si Elena bilang muse. Or is it alalay? It doesn't matter kay Elena kung ano ang role niya. Basta nandun lang siya araw-araw, kasama ang kanyang idolo, happy na happy na siya.

Throughout the shoot, parang na-relive ni Elena ang kanyang nakaraan. It doesn't matter kung totoong nangyari ang mga eksena or pawang mga pabula lamang. Para kay Elena, nakumbinsi na niya ang kanyang sarili na lahat ng kasinungalingan niya sa korte (at paburloloy sa script) ay nangyari nga sa kanya.

There's that scene na magigising si Claire dahil hinipuan siya ni Pen Medina na gumaganap bilang tatay ni Elena.

"Itay, huwag po," dialogue ni Claire.

Dinagdagan pa ng aktor na si Ray Ventura na hinihipuan din si Claire.

"Ninong, huwag din po," pa-dialogue uli ni Claire na umiiyak na ngayon.

Umiyak na rin si Elena, yung para bang naungkat niya ang isang repressed memory na hindi naman talaga nangyari.

Lumapit ang isang PA kay Elena. "Grabe, Elena, pati ninong mo?"

"At ninang din. Pamasko raw nila sa 'kin."

Enter sa scene na shinu-shoot si Caridad Sanchez na hinuhubaran si Claire.

"I'm so sorry for all that you went through," sincere na pag-akap ng PA kay Elena.

Then there's that scene na binubugaw ni Pen Medina si Claire sa Ermita. Isang matandang itim ang potential customer ni Claire.

"Mahirap bang maging hostess, Elena?" tanong ng katabing starlet kay Elena habang sine-set-up ang shot.

Without blinking, may sagot agad si Elena, parang she actually lived through it. "Hindi naman, konting bihis lang, konting landi, konting acting."

"Ahh, parang yung ginagawa ko rin pala."




Movie FanWhere stories live. Discover now