10. Hindi Pa Tapos Ang Laban

58 3 0
                                    


hindi pa tapos ang laban

Palabas ang 'Star Talk' sa TV with host Butch Francisco:

"Bad news for Claire Guilmar. Nag-first day/last day ang digital film niyang 'Bisikleta ni Magdalena' directed by Gil Portes despite winning the highly prestigious 3rd Best Southeast Asian Film Award sa Pacoima International Independent Video Festival. Does this flop signal the end of the short-lived Claire Guilmar era?"

Pinapanood nina Mr. Dagnay at Marlon Umeres ang above report habang may dalawang bulldog na naninira ng 16mm film negatives sa sahig.

"This is not good," sabay buntung-hininga ni Mr. Dagnay. "Bakit naman kasi she suddenly decides to make an art film, eh, we're making so much money making trash. We can't have her now, not after this fiasco."

Inagaw ni Mr. Dagnay ang mga film negatives from the fangs of the two bulldogs. Ibinuzz niya ang kanyang secretary na sumulpot instantly.

"Ilabas mo nga 'tong mga aso, nagkakalat lang sa opisina eh."

"Yes boss," tugon ng efficient na secretary, sabay utos sa mga aso: "Etta! Manoling! Come on. You two don't belong in office," sabay sipa sa mga aso palabas.

"Eh sino'ng kukunin natin? Masyadong mahal si Judy Ann?" tanong ni Marlon sa producer.

"Jessa Velez. Lalabas na ang sexy movie niya sa Viva. If that's a hit, she'll be hotter than ever. We should get her now while we can still afford her."

~

Umalis na sa kanyang barung-barong si Elena. Lulan siya ng isang taxi, katabi ang kanyang maleta. Habang nakahinto ang taxi sa traffic, pinagmamasdan ni Elena ang mga batang kalye na tulad niya noon ay nagtitinda ng sigarilyo't sampaguita.

Maluha-luha si Elena. Kung marunong siyang mag-Ingles, iisipin niya sana na "I've arrived!" pero dahil bopol, wala siyang iniisip, let alone English pa. So hanggang pa-emote na lang ang hitad.

Isang newsboy ang kumatok sa bintana niya, nagtitinda ng People's Tonight. Bumili si Elena ng isa. "Sa 'yo na'ng sukli."

"Naku, salamat po" tuwang-tuwang binigay ng newsboy ang tabloid kay Elena.

Umusog na ang traffic. Diretso sa entertainment section ng tabloid si Elena kung saan ang isang malaking headline ang lumantad sa kanya: JESSA VELEZ TO STAR IN ELENA MAGTANGGOL STORY!

Galit na nag-dial ng cellphone si Elena. Yes, may cellphone na siya! O, di ba?

"Direk? Akala ko si Claire ang kukunin ninyo?"

Si Marlon Umeres ang nasa kabilang linya. "Desisyon yan ng producer. I'll explain to you bukas. May meeting tayo with Jessa Velez. Bye."

Mangiyak-ngiyak sa galit at disappointment si Elena. Lalo pang na-aggravate ng makita ang billboard para sa bagong movie ni Jessa Velez, ang 'Burlesk Queen 3'.

Bumaling na lang siya uli sa tabloid. Ang headline sa cover ay PAMILYA NAPATAY SA DRUG OVERDOSE.

Parang nagka-idea si Elena dito.

~

High class ang restaurant. Naka-white uniform and bow ties ang mga waiters. Feeling out of place si Elena.

Meeting ngayon nina producer Mr. Dagnay, direk Marlon Umeres at ni Jessa Velez. Saling-pusa si Elena na nakasimangot. Si Jessa naman ay overly happy, parang high on ecstasy.

Movie FanWhere stories live. Discover now