19. Wanted: Perfect Murder

48 3 0
                                    


wanted: perfect murder

Hindi naman kinakailangan ng angking talino ang pagpaplano ng multiple murders. Ang kailangan lang ay resources at mga accomplices para isakatuparan ang iyong gustong mangyari. At siyempre, above all else, kailangan ng matinding poot bilang driving force behind the whole enterprise.

And of course, it doesn't hurt kung nakapatay ka na dati.

Resources? Check. Winidraw ni Elena ang lahat ng pera niya sa bangko.

Accomplices? Elena's working on that now.

Umaali-aligid si Elena dun sa kanto kung saan siya nanakawan nung gabi ng birthday party ni Claire. Finally, nakita niya ang kanyang hinahanap: ang kalbo at ang binatang pangit na nangnakaw sa kanya.

"Tiyong, yung babaeng may kuwintas. Hina-hunting tayo!" alarma ng binatang pangit na si Gardo sa medyo nakatatanda at kalbong si Mang Romy.

Takbo agad ang dalawa. Hinabol sila ni Elena hanggang makapasok silang lahat sa isang abandoned building.

Madilim doon at nawala na sa sight ni Elena ang dalawa. Pero biglang may nag-alma ng kutsilyo sa leeg niya. Si Mang Romy.

"Teka ho. Hindi masama ang habol ko," sabi ni Elena.

Hindi ibinaba ni Romy ang kutsilyo, habang from out of the shadows, lumantad si Gardo.

"Natatandaan mo ba 'ko?" tanong ni Elena kay Gardo.

Tumango ito.

"Sabi mo noon, ninakawan niyo 'ko dala ng matindi ninyong pangangailangan."

Ibinaba ni Mang Romy ang kutsilyo habang ina-address na ni Elena ang dalawa.

"Matindi pa rin ba ang pangangailangan ninyo?"

Nagtinginan sina Gardo at Mang Romy.

"Kayong dalawa at kung sino pa'ng mahahagilap ninyo. Handa akong magbayad kahit magkano."




Movie FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon