14. Ang Lahat Ng Ito, Pati Na Ang Langit

82 3 0
                                    


ang lahat ng ito, pati na ang langit

Kinabukasan, sarado pa ang bangko ay nasa entrance na si Elena. Nag-withdraw siya ng two hundred thousand pesos para pambili niya ng diamond necklace na gusto sanang bilhin ni Claire nung isang araw.

Taas-kilay ang isnaberang sales clerk sa SM nang ituro ni Elena ang nasabing necklace.

"That's very expensive, you know."

Inilapag ni Elena ang 200K sa counter.

"Tumatanggap ho ba kayo ng cash?"

~

Cut! Tapos na ang eksena ni Claire. Tuhog-tuhog ang shooting ngayong hapon kaya hila agad si Claire ng line producer sa susunod na eksena. Si Elena naman, standby agad sa pagbigay ng maiinom kay Claire, which Claire appreciated.

"Elena, remind me, pagkatapos ng shooting, dadalhin kita dun sa favorite restaurant ko."

Haping-happy si Elena. She can't wait na ibigay kay Claire ang diamond necklace na regalo niya. Naalala niya tuloy nung grade one siya, gumawa siya ng sea shell necklace for a class project. Excited siyang ibinigay sa nanay niya ang necklace. Tuwang-tuwa ang madir, ibibigay daw sa idol nito. Nung linggong iyon, nasa audience sila ng Superstar show. Naang mag-greet si Nora Aunor sa audience, isinabit ng nanay ni Elena ang necklace sa idol. Hindi offended si Elena na ipinamigay ang regalo niya sa nanay niya. Happy lang ito na napaligaya niya ang kanyang madir.

Later that evening, nag-wrap na sila for the night. Siempre, abot agad ng Coke si Elena kay Claire. Ire-remind na sana ni Elena kay Claire ang dinner plans nila nang may nakita si Claire na dumating sa set.

"Oh my god! Larissa? Is that you?" hiyaw ni Claire habang unmindful na ibinalik ang Coke can kay Elena at sinalubong ang kaibigan niyang si Larissa.

Kung si Elena ay pandak, maitim, pangit at illiterate, matangkad, maputi, maganda at educated naman sa Barcelona ang supermodel at former beauty queen na si Larissa Fornier, half Filipino at a quarter of this and a quarter of that ek-ek.

"Si! Estoy aqui!", sabay beso-beso ang besties.

"Que sorpresa! Cuando llegaste?"

Nagulat si Elena. Kailan pa nag-espanyol si Claire?

"Ayer. Yo no podría posiblemente perder su cumpleaños este fin de semana, ¿verdad?"

Posiblemente. Yun, medyo naintindihan ni Elena. At saka yung semana. Semana santa. Holy week ba ngayon?

"Oh, god. I've forgotten my birthday is coming up! I've been working non-stop on this movie."

"And that is why you deserve a break. Your birthday weekend will be just fun, fun, fun!"

"Tara, say hi to everyone."

I guess everyone doesn't include Elena, dahil bigla na lang siyang iniwan at kinalimutan ni Claire.

Later that evening, nagpapalit na to her normal clothes si Claire habang kausap si Larissa. Nasa pinto si Elena, awkward na naghihintay at nag-o-observe sa dalawa, clutching the jewelry gift box in her pocket.

"So anyway, I'll start shooting this Clinique ad in a week. I'm so excited to go back to modelling. Colegio es tan aburrido."

"Well, at least you had time to get away," sagot ni Claire. "Yo necesito unas vacaciones larga."

Finally, napansin na rin ni Claire ang wallpaper na si Elena.

"Uhm, by the way, Larissa, this is Elena. I'm playing her in the movie."

Larissa just glances at Elena through the mirror, barely an acknowledgment.

"Elena, si Larissa, best friend ko."

Best friend. Ang sakit ng dating nun kay Elena. Pilit siyang ngingiti to be polite, na hindi naman sinuklian ni Larissa.

"Anyway!" Na-bored si Larissa sa two-second exchange na ito which to her felt like ten million eternities. "If you don't have an early call tomorrow, Claire, let's go dancing tonight and catch up. Show me the new hot spots in town."

"Sure, of course!"

"Fantastic! Shall we go?"

Paalis na ang dalawa, pero nasa pinto ng dressing room si Elena na unmindful to the fact na nakaharang siya.

"May kailangan ka ba, Elena?" tanong ni Claire.

"Ah, sabi mo kasi kanina na ipaalala ko sa yo na pupunta tayo dun sa favorite restaurant mo pagkatapos ng shooting," nahihiyang paalala ni Elena.

"Elena, I'm sorry. Kasi ang tagal na naming hindi nagkita ni Larissa. Puede bukas na lang yung restaurant? I really want to catch up with my friend."

"Eh, di ba bukas may interview ka sa TV?"

"Then the next day na lang, okay?"

Naiirita na si Larissa at nawi-weirdohan rin kay Elena.

"Oh, my god, I'm starving, Claire. Vamonos!"

"We have to go, Elena. See you later, " maamong sabi ni Claire habang papaalis ito kasama ang kanyang best friend.

Parang gustong umiyak ni Elena. Hindi siya makahinga. Nang tumalikod siya para tingnan ang pag-alis ni Claire, nakita niyang nag-bubulungan ang mag-best friend.

"She creeps me out. And she has awful skin. Sabes quien ella me recuerda? She reminds me of Sandy, from fourth grade. That weird psycho lesbian who had a crush on you?"

Yes, Claire remembers. "She brought me flowers everyday! What happened to her?"

"She died," sagot ni Larissa and then looks back to point at Elena, "and got reincarnated."

Playfully, hinampas ni Claire sa balikat si Larissa. "That's not very nice."

Sabay tawa nang malakas ang dalawa, leaving Elena in the dark kung ano ang nasabi tungkol sa kanya.

~

Nung gabing yun, sa kanyang apartment, gini-gift wrap ni Elena ang diamond necklace jewelry box na para kay Claire. Hindi satisfied si Elena.

Pinagmasdan niya ang kanyang dingding. Mula kisame hanggang sahig, punung-puno ito ng mga magazine cutouts ni Claire. Nagka-idea si Elena.

Throughout that night, kinarir ni Elena ang paggawa ng isang giant Claire collage using the cutouts from her wall. There's something endearing about her "art" project, kahit na medyo may pagka-creepy ito.




Movie FanWhere stories live. Discover now