21. Hinukay Na Ang Libingan Mo

49 3 0
                                    


hinukay na ang libingan mo

"Hello? Sino'ng nandiyan?" sigaw ni direk Marlon towards the projection area pero wala pa ring sumagot.

Lumakad siya towards the entrance pero biglang umandar uli ang projector. Kaso lang, hindi na ang 10-hour art film ang palabas.

Ang naka-project na screen ay ang isa sa mga massacre movies ni Marlon. Ang eksena: hinahabol ng isang serial killer si Claire.

Natakot si Marlon. Someone's playing a game with him, naisip niya.

He eyes the exit sign sa tabi ng movie screen. Takbo siya dito.

At takbo naman sa kama ng motel room si Joji Santiago, obviously excited. Umupo siya sa edge habang papalapit ang dalawang hunky men.

"So, hubad na," utos niya sa dalawa habang tinatanggal niya ang kanyang sapatos.

Inapakan ng isa sa dalawang hunks ang sapatos ni Joji to prevent him from removing it. "Teka muna. Laro muna tayo," sabi nito.

Mala-demonyo ang ngiti ng dalawang hunks. Intrigued na may halong takot si Joji.

Biglang natakot naman si Larissa nang may narinig itong nabasag sa kuwarto. Hinugasan niya ang kanyang mukha at lumabas ng banyo para tingnan kung ano ang nangyari.

Isang basag na vase ang nasa sahig.

"What the...?"

Sabay labas ng Siamese cat niya mula sa likod ng dresser drawer.

"Mookie. Did you that? Estas una gata maldita. Now behave and let mommy finish her beauty routine."

As Larissa goes back to the bathroom, ever so slowly namang nag-emerge from behind the curtains si Gardo.

Ever so slowly rin na pumasok sa guest room si Claire pero wala si Alex dito.

She sees na bukas ang light sa guest bathroom.

Meanwhile, binubulag pa rin ng SUV headlights si Mr. Dagnay dahil kahit he veered right ay sinundan pa rin siya nito.

Dahil distracted and blinded siya sa ilaw on his rearview mirror, hindi napansin ni Mr. Dagnay ang isang malaking acacia tree.

CRASH!

Huminto ang SUV behind the Benz. Binuksan ni Mang Romy ang driver side door.

Pilit na binubuksan naman ni Direk Marlon ang exit door pero locked ito. Tumingin siya sa main door at nakita ang tattooed gangster na may hawak na kutsilyo, papalapit sa kanya.

Tumakbo towards sa movie screen si Marlon kung saan papalapit rin ang isang lalaking may switchblade, played by Dick Israel, sa character ni Claire.

Meanwhile, naglalaro ng kanyang switchblade ang maskuladong lalaki na isa sa dalawang hunks na kasama ni Joji sa motel room.

"Ano yan? Bakit may ganyan?" may takot na tanong ni Joji.

"Don't worry. Laro lang 'to," sagot ng maskulado.

Humila naman ng isang silya yung other hunk, moreno at artistahin ang mukha. Umupo ito, straddling the chair.

"Ang tawag dito, 'Truth or Consequence', gaya ng show mo," pangiting sabi ng moreno.

Umupo din sa isang silya ang maskulado pero nakade-kuwatro ito.

"May itatanong kami sa 'yo. Pag hindi truth ang sinagot mo, you'll suffer the consequences. Naiintindihan mo?" tanong ng maskulado.

Movie FanWhere stories live. Discover now