13. Tayong Dalawa

49 3 0
                                    


tayong dalawa

Lumalim ang bonding nina Elena at Claire habang tumatagal ang shooting. May mga pagkakataon, kapag naghihintay sila sa pag-iilaw ng cinematographer, na nakakapag-usap sila.

For the first time sa buhay ni Elena, may kumakausap sa kanya na tinuturing siyang ka-level. Hindi nangungutya o nang-iinsulto. For the first time in her life, pakiramdam ni Elena, tao siya.

Kinuwento ni Elena kay Claire ang pag-alis ng kanyang ina. Shi-nare naman ni Claire ang pagkawala ng mother niya because of breast cancer. Nagpalitan sila ng mga anecdotes from their teenage years. At maliban sa kaibahan nila sa estado sa buhay, edukasyon, breeding, diction, outlook in life, height, weight, waist line, skin complexion, talino at ganda, convinced na convinced si Elena na parehong-pareho sila ni Claire.

"I know what we can do," excited na sambit ni Claire nang sinabihan ng direktor na mga dalawang oras pa ang hihintayin habang nagse-setup ang crew. "Punta tayo sa mall. We're going shopping."

~

Walang ibang customers sa department store. Pinasara ni Claire ang buong tindahan. Lahat ng sales ladies ay nagke-cater kay Claire habang namimili ito ng mga damit at sapatos.

Si Elena, pinapanood lang si Claire, habang kalung-kalong ang mga damit na binili ng young superstar.

"This weekend, wala tayong shoot. Gusto mong mag-out of town? Tayong tatlo ni Alex?" tanong ni Claire habang inabot ang isang Hello Kitty t-shirt kay Elena.

"Nakakahiya naman."

"Why? I insist. Sasama ka."

Later, sa jewelry department, may sinukat na diamond necklace si Claire. Tiningnan nito ang price tag. Masyadong mahal. Ibinalik sa sales lady.

"Pag nag-hit na lang ho siguro yung movie ko," nakangiting sabi nito.

"Ay, kaya gustong-gusto kita Claire, napaka-down-to-earth mo," delighted na sagot ng middle-aged na sales lady.

Tinitigan ni Elena ang necklace habang ibinalik ito ng sales lady sa loob ng display counter.

Later that night, after ng shooting, inihatid ni Claire si Elena sa apartment nito.

"O, huwag mong kakalimutan yung mga bag sa likod," nakangiting sabi ni Claire.

"Bakit?"

"Sa 'yo ang lahat ng yun. Binili ko para sa 'yo."

Gulat na mangiyak-ngiyak si Elena.

"You kept me company today, Elena. And you've been very good to me. This is the least I can do for you. Thank you so much for everything, Elena. You've been such a great friend."

Konti lang ang naintindihan ni Elena sa sinabi ni Claire pero gets niya ang gist. May sasabihin sana siya pero hinalikan siya ni Claire sa pisngi.

"Bye Elena. Don't forget yung trip natin sa Sabado, ha?"

Speechless si Elena habang nag-drive off na si Claire. Nang makapagsalita na siya, ang nasabi niya lang ay "I lab yu, Claire."

For the very first time in her life, Elena felt truly loved.


biyaheng langit

"Leave me alone," sabay hampas ng unan ni Alex kay Claire.

"Yan na nga ang sabi ko eh, high ka na naman kagabi so useless ka ngayon," patuloy na nagsusuot ng damit si Claire. "So ano? Hindi ka sasama?"

Malakas na hilik ang sagot ni Alex.

Ito ang araw ng outing nina Claire, Elena at Alex. Ang plano sana, magpunta sa isang waterfall resort pero dahil hindi na kasama si Alex, may change of plans si Claire.

~

Parang shots sa horror movie ang road to their destination. May mga matataas na puno sa tabi ng kalsada which give the road a secluded, eerie feel. At walang masilayang mga bahay na malapit.

"Marunong ka bang mag-drive, Elena?" tanong ni Claire habang sumi-zigzag ang kalye.

"Oho. Tinuruan ako ng tatay ko nung minsang nagtrabaho siya bilang jeepney driver," sagot ni Elena.

"Bihira akong makapag-drive. Kaya nga sabi ko sa driver mag-day-off ngayon. I just feel like being free today."

"Sa'n po ba tayo pupunta?"

"You'll see."

~

Dumating sila sa isang malaki at secluded na bahay. Halatang walang nag-aalaga dito dahil puno ng mga tuyot na dahon ang mga kapaligiran at covered ng vines and mga haligi nito.

"Kanino 'to?" tanong ni Elena.

"Sa 'kin. One weekend, I was driving around and I saw this place. American missionaries ang dating may-ari. As luck would have it, they were looking to sell the place. I bought it the next day. No one knows about this, except my former accountant. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Hindi ito alam ni Tito Joji, my manager. Not even Alex. Ikaw pa lang," sagot ni Claire habang pababa sila ng kotse.

Parang haunted house ang bahay.

Sa loob, may malaking chandelier na puno ng agiw. Nag-sindi ng kandila si Claire habang ine-explore nila ang house.

"Sorry, wala pang kuryente. Ang daming dapat asikasuhin dito but I just don't have the time. Someday, I will."

Umakyat sila sa isang grand staircase papunta sa master bedroom na mala-"Sunset Blvd" ang drama. May malaking canopy bed at wall-to-wall curtain.

Binuksan ni Claire ang isang kurtina. Binaha ng liwanag ng araw ang kuwarto.

Umupo sa kama si Claire habang hinahangaan ni Elena ang decors.

"Ang ganda no?"

Tumango si Elena. Manghang-mangha.

"Eto ang magiging sanctuary ko. Dito 'ko pupunta kung gusto kong lumayo sa lahat-lahat, kahit sandali lang."

Umupo sa opposite side ng kama si Elena, amazed sa lambot ng kutson.

"Kung minsan kasi, hindi ko na makayanan ang lahat. Ang trabaho, ang mga tao, ang lahat ng atensyon. Sometimes, I just need to be away from it all. Be alone. And just rest in peace."

May kalungkutan na bumalot kay Claire pagka-sabi niya nun. Parang ayaw niyang umalis sa lugar na ito, ayaw niyang kumawala sa kuwartong ito. Itong kuwarto na parang sinapupunan na nagpro-protekta sa kanya. Kung puwede lang, dito na siya titira habang buhay, pero may real life na naghihintay sa kanya.

"Anyway. We should head back. May shooting pa tomorrow."

Tumayo sila pareho. Pumunta si Elena sa bintana para isara ang kurtina nang may ini-request si Claire sa kanya.

"Sa atin lang sana ito, Elena. Huwag mong sabihin sa iba, ha?"

"Huwag kang mag-alala, Claire. Sikreto natin 'to."

Sinara ni Elena ang kurtina at muling nabalot ng kadiliman ang dalawa.




Movie FanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora