Valerian expected the man's anger, instead he laughed. Kumunot ang noo niya. May nakakatawa ba sa sinabi niya?

"Ang totoo, kinabahan ako nang sabihin ni Grace sa 'kin na mahal niya itong lalaking nagngangalang Valerian Volkzki." Umiling-iling pa ito. "Pero ngayong narinig ko ang mga salitang iyan galing sa 'yo, napanatag na ako. My daughter needs you, a man with strong will and strong love for her." Pero biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito. "But you still take advantage on my baby! How dare you! Teka, saan kayo unang nag... basta, alam mo na 'yon."

Napatitig si Valerian sa kisame. Fuck! This is fucking awkward. "Ahm..."

"Answer me, boy!"

Napaigtad siya sa lakas ng boses nito at mabilis na sumagot sa takot na baka atakihin ito sa puso nang dahil sa kanya. "Sa condo niya. 'Tapos sa bahay ko, and then sa speedboat—"

"Too much information! Stop!" Iwinagayway pa nito ang kamay sa ere at hindi maipinta ang mukha. "Kung hindi lang ako nanghihina, kanina pa kita sinakal! You deflowered my daughter before marriage!"

Napakagat-labi siya. "I love her and I'll marry her."

"Hindi 'yan sapat! Sasakalin talaga kitang bata ka!"

Nagpipilit itong tumayo kaya naman lumapit siya. "Huwag ho kayong tumayo, baka mabinat kayo," pakiusap niya. "Papatayin ako ni Grace kapag may mangyaring masama sa 'yo— fuck!"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil sinakal nga siya ng matanda.

"B-bitaw-wan m-mo a-ak-ko."

"No! Para ito sa ginawa mo sa inosente kong anak!"

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabaklas ng kamay nito na sumasakal sa leeg niya nang bumukas ang pinto at pumasok doon sina Grace, Nali at Knight.

Agad siyang binitawan ng matanda at bumalik sa pagkakahiga.

"Dad!" sigaw ni Grace sa ama. "Bakit mo ba sinasakal si Valerian?"

Umingos ito. "Aksidente lang 'yon."

Akmang magsasalita uli si Grace nang unahan niya ito. "It was nothing. We're just having fun."

"Fun?" Tumaas ang kilay ni Grace.

"Yeah." Nginisihan niya ang matanda. "Kasi pumayag na siyang magpakasal tayo, moon cake. Ayaw raw niyang saktan ang damdamin mo kaya payag na siya."

"Aba't itong lokong 'to—"

Niyakap ni Grace nang mahigpit ang ama. "Thank you, Daddy. It means a lot to me. God! I'm so happy right now." Pinakawalan nito ang ama at hinalikan sa noo. "I love you, Daddy. Thank you for making me happy."

Lumamlam ang mga mata ng matanda na kanina lang ay nanlilisik habang nakatingin sa kanya. "Oh, baby, of course I want you to be happy." He hugged Grace and then he showed him his middle finger.

Mahinang natawa si Valerian. "Thank you so much, Sir."

Pinandilatan siya nito bago pinakawalan sa pagkakayakap si Grace.

"Salamat talaga, Daddy, ha?"

"You're welcome, baby." Tumalim ang mga mata ng matanda nang bumaling sa kanya. "Alagaan mo ang anak ko. Kapag may nangyaring masama sa kanya o nasaktan siya sa kahit anong paraan, may samurai ako sa bahay. Uunahin kong tatanggalin iyang bagay na nasa gitna ng mga hita mo."

Ngumiti lang si Valerian. "Noted, Sir."

"Good. Now, leave, all of you," pagpapalayas nito sa kanilang lahat. "Magpapahiga na ako para makalabas na ako."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon