"Love, huh!" Puno ng sarkasmo ang ngiti sa mga labi nito. "Grace, you are innocent. Wala kang alam sa mga bagay-bagay sa mundo. Bata ka pa. You don't know what love is—"

"I do." sansala niya sa kanyang ama na halatang galit pa rin. "I do know what love is, Dad. Paano? I met Valerian. He taught me so many things and love is one of them. He's wonderful man, Dad. I love him so much. Siya ang lalaking hindi ako hinusgahan dahil sa literal akong mag-isip noon, siya ang lalaking iniwan ko at nang bumalik ako, naroon pa rin siya, naghihintay at mahal pa rin ako sa kabila ng ginawa ko. Siya ang lalaking gagawin lahat para lang mapasaya ako. Matanda na ako Daddy, at kahit hindi kayo sumang-ayon sa pagpapakasal ko kay Valerian, iyon siguro ang desisyon mo na kakalabanin ko. Mahal ko si Valerian at hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa 'kin. Please, Dad, understand me. Kung mahal mo ako, hahayaan mo akong pakasalan ang lalaking mahal ko."

Umingos ito. "I'm sure he took advantage of your innocence."

"Yes, he did."

"What?!"

"With my consent," matapang niyang sabi, saka itinaas ang kamay na may engagement ring niya. "See this ring, Dad? Mahal niya ako at handa niya akong pakasalan. He makes me happy. Sisirain mo ang ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon?"

"Dad, let Grace spread her wings and be with the man she loves," sabad ni Nali at doon napaunta ang atensiyon ng kanyang ama. "Pakawalan mo na si Grace sa hawlang pilit mong pinagkukulungan sa kanya. Let her live her life the way she wants it."

Bumaling ang tingin ng kanya ama. "Ang lalaking 'to... nasaan siya? Gusto ko siyang kausapin. Lalaki sa lalaki."

Kahit paano ay nabigyan siya ng pag-asa na papayag ang ama niya na magpakasal siya. "Nasa Pilipinas siya ngayon, Dad, at gusto rin niya ho kayong makausap."

"Good." Tumango-tango pa ito at matalim ang matang tumingin sa kanya. "Hangga't hindi ako pumapayag na magpakasal kayong dalawa, hindi ka lalapit sa kanya! Maliwanag?"

"Dad—"

"Maliwang ba, Grace?" ulit nito sa paggalit na boses.

Ayaw niyang tumaas ang presyon nito kaya tumango siya para kumalma ito. "Opo, Dad."

"Mabuti." Umayos ito sa pagkakahiga. "Sige, magpapahinga uli ako."

"Sige po," sabi ni Grace. Mayamaya ay pinandilatan niya ang kapatid nang makitang tulog na tulog ng ang ama. "Bakit mo sinabi? 'Yan tuloy, nagalit si Daddy."

Umingos si Nali. "Mabuti nang malaman niya ngayon para wala ka nang aalalahanin pa. Alam mo naman si Dad napakaistrikto."

Bumuga siya ng isang malalim na hininga. "Alam ko." Hinawakan niya ang tiyan nang maalala ang pinag-usapan nila kanina. "Could it be, Nali? Buntis ba talaga ako?"

"Gumagamit ba kayo ng proteksiyon kapag nagse-sex?" tanong ni Nali.

Namula ang pisngi niya. "H-hindi."

"Malaki ang posibilidad."

Bumuntong-hininga siya. "I have to make sure. Bibili ako ng pregnancy test sa pharmacy. Ikaw muna ang bahala kay Daddy, ha?"

"Sige. Ingat ka."

"I will."

Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa pinakamalapit na pharmacy. She had to make sure before she tell Valerian.



Hindi makagalaw si Valerian nang makalapag ang eroplanong sinasakyan. Naninigas ang buong kalamnan niya. Nakakuyom ang kamao niya at pakiramdam niya ay nanlalamig siya.

"Well, Val, my friend, halika na," sabi ni Knight na sumama sa kanya.

Huminga siya nang malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob. Pagkatapos ay tumayo siya at pinilit ang mga paa na ihinakbang palabas ng eroplano.

The moment his feet touched the Japan's soil, he cringed. After nearly twelve years, umapak uli niya sa bansang kinamumuhian niya. Ang bansang ipinangako niya sa sarili na hindi niya pupuntahan.

But he had to break his promise to himself. Kailangan niyang makita si Grace. Ayaw na niyang mawalay ito sa kanya. Sa paglipas ng mga araw na hindi niya nakikita ang babae, natatakot siya na baka nga hindi na ito bumalik.

The need to see her was much stronger than his hate to this country.

Inakbayan siya ni Knight. "Handa ka na? Halika na at hanapin natin ang ospital kung saan naroon ang ama ni Grace. Alam mo naman siguro kung nasaan."

Tumango siya. "Sinabi sa 'kin ni Grace nang tumawag ako kagabi."

"Good. Good." Tinapik nito ang balikat niya. "Let's go."

Pilit ang bawat hakbang ni Valerian. And Knight didn't mind nor laugh at him. Basta naglakad lang ito sa tabi niya at paminsan-minsan ay tinatapik ang balikat niya.

At dahil hindi niya kayang makihalubilo sa mga sakang, si Knight ang umayos sa lahat para tuluyan silang makapasok sa bansa.

"Thanks, man," sabi niya nang nasa labas na sila ng airport at naghihintay ng masasakyan. "I appreciate it."

"Alam ko kung ano'ng pinagdadaanan mo ngayon. Don't mention it," sagot nito, saka pinara ang paparating na Taxi.

Valerian rolled his eyes when the taxi driver spoke Japanese. Fuck!

Bahagyang umuklo si Knight. Tumaas ang kilay niya nang marinig itong mag-Nihongo. "Byoin tsuretette kudasai?"

The driver replied. "Kakushin shite."

Then Knight smiled and looked at him. "Sakay na. Ihahatid niya tayo raw tayo sa ospital."

Nakaawang pa rin ang mga labi ni Valerian nang makasakay sila ni Knight sa backseat ng taxi.

"Nagsasalita ka ng Nihongo?" puno ng gulat na tanong niya.

Mahinang tumawa ang loko. "Parte 'yan ng pag-aaral ko nang maipasa sa 'kin ang titulo ni Papa."

"Oh. Kaya pala." Napatango-tango siya. "Anyway, after ng graduation natin sa Stanford, ano ba kasi ang nangyari sa 'yo? We lost touch."

Knight glared at him. "Sakalin kaya kita? Anong we lost touch? You push me away, moron! Ikaw ang hindi kumausap sa 'kin kasi nga nagluluksa ka."

Nag-iwas siya ng tingin. Fuck! "Huwag mo na lang pansinin ang tanong ko."

"What the fuck ever."

Pagkasabi n'on ni Knight ay nanatiling tikom ang bibig nito habang nasa biyahe.

Nang makarating sila sa destinasyon, mabilis nilang binayaran ang driver, saka nagmamadaling pumasok sa ospital kung saan naroon ang ama ni Grace. 


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon