"'Yong pagduduwal mo. You'd been doing that every morning since I arrived." Tumaas ang kilay nito at parang sinusuri ang katawan niya mula ulo hanggang paa. "Buntis ka ba, Grace?"

Halos lumuwa ang mga mata niya sa sinabing iyon ng kapatid. "Nali! Ano ba'ng pinagsasasabi mo? I'm not."

Nagkibit-balikat ito. "Sinasabi ko lang naman ang napapansin ko. Anyway, alam kong hindi ka magsisinungaling sa 'kin sa bagay na 'yon pero may posibilidad na tama ako. Unless, you and your fiancé hadn't done the nasty thing since you returned to him?"

Natigilan siya. "Ahm, we did..." Tumibok nang mabilis ang puso niya kasabay ng pagsinghap niya. "Oh, God, could it possibly be?" Hinawakan niya ang tiyan. "Buntis ako?"

"We'll make sure later," sabi ni Nali, saka inginuso nito ang cell phone na hawak niya. "Since hindi ka pa makakauwi baka mabinat si Daddy, tawagan mo si lovey-dovey mo at ipaalam mo sa kanya na hindi ka pa makakauwi."

Napatitig si Grace sa cell phone niya. Nang dumating si Nali galing California, ikinuwento niya agad dito ang lagay ng relasyon nila ni Valerian. And Nali was happy for her now that she was getting married to the man she loved.

And speaking of the man she loved, kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ni Valerian. Alam niyang pilit nitong iniintindi ang pinagdadaanan niya. And telling him she wouldn't be going home anytime soon would really piss him off bigtime. Kilala niya si Valerian. Para itong bombang sasabog na lang bigla.

Huminga siya nang malalim. "Sige, tawagan ko lang siya."

Bahagyan siyang lumayo sa pinto ng kuwarto samantalang si Nali ay pumasok naman sa loob.

Habang tinatawagan ni Grace ang number ni Valerian, hindi niya ito ma-contact. Palaging error in connection ang sagot sa kabilang linya.

Nagsalubong ang mga kilay niya at tinawagan uli ang numero. Wala talaga. Hindi niya makontak.

Busy ba ito? She sighed. Mamaya na lang niya ito tatawagan. Baka may board meeting na naman, ayaw niyang makaistorbo.

Ibinalik niya sa bulsa ang cell phone, saka bumalik sa kuwarto ng kanyang ama.

"Grace, anak..." Ang mahina at namamaos na boses ng ama ang sumalubong sa kanya nang makapasok siya sa kuwarto nito.

Nagmamadali siyang lumapit dito at umupo sa gilid ng kama. "Hey, Dad." Masuyo niya itong nginitian. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango ito at sinubukang tumawa pero nauwi iyon sa ngiwi. "P-pasensiya na kayo, ha?" Hinawakan nito ang kamay nila ni Nali. "Pinag-alala ko yata kayong dalawa."

Nali rolled her eyes. "No, Dad. Hindi naman masyado." May sarkasmo sa boses nito. "Iniwan ko lang naman ang isa kong proyekto sa California at itong si Grace ay iniwan ang fiancé sa Pilipinas."

Pinandilatan niya ang kapatid. "Nali!" Good God! Hindi pa 'yon alam ng daddy niya!

Namimilog ang mga matang bumaling sa kanya ang ama. "Fiancé? Grace, ano ba itong pinagsasasabi ni Nali, ha?" Halata ang galit sa boses nito. "Anong ibig sabihin n'on?!"

Ayaw niyang galitin ang ama dahil baka ma-heart attack na naman ito. Nanghihingi ng tulong na tumingin siya kay Nali, agad naman itong to the rescue.

"Dad, Grace is already twenty-seven." May diin ang boses ni Nali na para bang gusto nitong isaksak sa isip ng ama kung ilang taon na siya. "Hindi na siya bata." Tumingin ito sa kanya. "Go on, tell Dad how you met your fiancé."

Huminga si Grace nang malalim at doon kumuha ng lakas ng loob, saka nagkuwento sa daddy niya. "Dad, his name is Valerian Volkzki. Siya ang may-ari ng AirJem Airlines. He loves me and I love him. He asked to marry me and—"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWhere stories live. Discover now