Walang imik sila pareho habang magkatabing magkaupo. Nakikita niyang gumagalaw ang panga nito at matalim ang mga mata. He was mad, she could feel it. Well, she was too!

Hanggang sa makarating ang eroplano sa Manila, walang salitang namutawi sa mga bibig nila. Wala siyang balak makipag-usap sa lalaki. She waited days for him to talk to him, but nothing!

Marunong din naman siya mapagod sa kahihintay. Maybe this was what he wanted, for her to wait, like what he did one and a half year ago.

Nauna na siyang lumabas ng eroplano pero madaling nakahabol sa kanya si Valerian.

"What the fuck is your problem?!" singhal nito sa kanya na hinawakan siya sa braso para patigilan siya sa paglalakad.

Piniksi niya ang braso. "Let go of me! At huwag mo akong ma 'fuck-fuck'! Pinagbigyan na kita noon na murahin ako kasi kasalanan ko, pero isa pang mura, mag-asawang sampal ang tatama diyan sa mukha mo!"

He gripped her arm. "Ano ba kasing problema mo? And where the hell do you think you're going?"

"Home."

"Home?" He smirked. "Baka nakakalimutan mo ang aso mo."

Doon natigilan si Grace at nagtatagis ang bagang na humarap dito. "Ibalik mo na ang aso ko. Ano pa ba ang kailangan mo sa 'kin ha? Sex? Ibinigay ko na sa 'yo. Tears? Pinaiyak mo na ako. Explanation, I already explained. Ano pa, ha?!"

"Fuck, Grace—"

Malakas niya itong sinampal. "Huwag kang magmumura."

Nagtagis ang mga bagang ni Valerian at mas nanlisik ang mga mata nito. "Hindi ka uuwi, sasama ka sa 'kin."

"At saan mo na naman ako dadalhin? Is this one of your fucking games?!" Nagmumura na siya sa sobrang galit na nararamdaman.

Mapusok at marubdob siyang hinalikan sa mga labi ni Valerian. It took her by surprise.

"No cussing, Grace," sabi nito nang pakawalan ang mga labi niya.

She just started at him, dumbfounded.

"Halika na." Hinila siya nito papasok sa airport. "And don't make a scene," mariin nitong sabi.

Hindi pa rin makaimik sa gulat si Grace habang hinihila siya ni Valerian. She was still in shock. Siya ang humahalik dito kapag nagmumura ito, not the other way around.

Namalayan na lang niya na nakasakay na siya sa kotse ni Valerian at humaharurot na 'yon patungo sa kung saan.

Ilan kaya ang kotseng pag-aari niya? Marahan niyang ipinilig ang ulo, saka bumaling sa nagmamaneho.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya.

Valerian didn't answer her, sa halip ay mas pinabilis lang nito ang pagmamaneho na para bang may humahabol sa kanila.

Mahigpit na napahawak si Grace sa kanyang seat belt nang biglang lumiko at umikot ang sasakyan, 'tapos bigla iyong tumigil sa harap ng isang mansiyon.

Wait a minute... kilala niya kung sino ang may-ari ng bahay na 'yon. The Coleman's Residence!

"Ayokong mag-sigawan tayo sa harap ng mga kaibigan ko." Biglang nagsalita ang kulugo. "So play nice for a while. Mamaya tayo mag-uusap."

"Ayokong makipag-usap sa 'yo," singhal niya.

"You have no fucking choice—" Sasampalin sana niya si Valerian dahil na naman sa pagmumura ng maliksi nitong nasalag ang kamay niya. "One cuss, one kiss, remember?" Kinindatan siya nito. "I don't accept slaps."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWhere stories live. Discover now