Mahina itong natawa. "Well, sabi ng mommy ko noong nabubuhay pa siya, nakuha raw niya ang pangalan ko mula sa ball pen na gamit niya habang nagpi-fill out ng form para sa birth bertificate ko."

That made her chuckle. "Lucky you hindi 'Panda' o kaya naman 'Uni' na ball pen ang hawak ng mommy mo."

Malakas itong tumawa. "Yeah. How about you? Ano'ng pangalan mo?"

"Grace."

"Ah, Grace." Tumingin ito sa kanya na nagtatanong ang mga mata. "Bakit ka pala umiiyak kanina? I didn't mean to pry but I'm a curious kind of guy, kaya naman nilapitan kita. Trespassing na ako actually."

Doon nawala ang ngiti sa mga labi niya. Naaalala na naman niya si Valerian at ang mga ipinagtapat nito sa kanya kanina.

Grace sighed and looked at Titus. "Kapag may ginawang mali ang babaeng mahal mo, matatanggap mo pa kaya?"

Tama nga yata ang iba, mas madaling ilabas ang hinaing sa mga taong hindi mo masyadong kilala kasi hindi ka nito huhusgahan.

Kumunot ang noo nito. "Anong klaseng mali?"

"Like be with other men."

Tumaas ang kilay ni Titus. "Ahm, does this question have something to do with you? Niloko ka ba ng lalaking gusto mo kaya ka umiiyak?"

Umiling siya. "Hindi naman matatawag na panloloko 'yon. I mean, umalis ako nang walang paalam, 'tapos ginawa niya iyon. He said it's his way of moving on, at hindi niya alam na babalik pa ako."

Napatango-tango ito na parang naiintindihan ang pinagdadanan niya. "Well, Grace, iba ang mga lalaki sa babae. Iba ang ways namin of moving on. Pero hindi iyon sapat na dahilan, dapat magalit ka. Kaya lang ikaw ang nang-iwan, eh. Ikaw ang umalis and that makes everything your fault."

"Alam kong kasalanan ko." Pumiyok ang boses niya. "Mahal ko siya, pero masakit eh..."

"Well, Grace, love hurts. Loving someone is not as easy as walking in the park." Titus tsked. "If you love someone, keep in mind that the man you love is not perfect. May mga pagkakamali siya na hindi na mababago pa. Tulad na lang ng ginawa ng lalaking mahal mo. Okay lang na magalit ka at kasuklaman mo siya. Pero ang tanong, kaya mo bang mawala siya?" Huminga ito nang malalim. "Kung kaya mo, eh, di iwan mo."

"Paano kung hindi ko kaya?"

Titus grinned at her. "Madame Grace, that's what you called love. Love is composed of idiotism and stupidity. But hey, it makes people happy, at kung doon ka masaya, eh, di mahalin mo siya." Napailing-iling ito. "You see, love is simple, it's people who make it complicated as fucking hell. As for you and your man, pareho lang kayong may kasalanan. Why don't you two move on and start over? As simple as that."

"Hindi mo naiintindihan, masakit eh."

"Kailan ba hindi nasaktan ang isang tao dahil sa letseng pag-ibig na 'yan?" He rolled his eyes. "Kaakibat na ng pag-ibig ang sakit. Kung hindi ka nasasaktan, hindi ka nagmamahal. Pero bakit ba pinapahaba natin 'to? Fuck! Hindi nga ako naniniwala sa forever, eh." Marahas itong napailing-iling, saka matiim na tumingin sa kanya. "Mahal mo ba siya?"

"Oo."

"Kaya mo ba siyang mawala?"

"Hindi."

"Iyon naman pala, eh." Tinlikuran siya nito. "Nasa sagot mo ang desisyon mo."

Titus left and Grace was alone again, thinking. Nasa sagot nga niya ang desisyon niya. Pero natatakot siya. Pero 'di ba ganoon naman ang love? Nakakatakot. At kailangan niyang labanan ang takot kung gusto niyang makasama si Valerian.

Huminga siya nang malalim, saka pumasok sa bahay ni Valerian. Nang makapasok siya sa loob ng kabahayan, agad siyang nagtungo sa kuwarto kung saan natutulog nang mahimbing ang lalaki.

Habang pinakatitigan niya ang guwapong mukha ni Valerian, nakapagdesisyon na siya.

She decided to stay and love him. Because that would make her very happy. And that was what important to her. Tama na ang sakit. Ayaw na niya. And Titus was right, it was time to move on and start anew.

Pero may gumugulo pa rin sa isip niya. Ni minsan sa pag-uusap nila kanina ni Valerian, hindi nito nabanggit ang salitang "mahal kita." Natatakot siya. Siya lang ba ang nagmamahal sa kanilang dalawa?



Ayaw istorbohin ni Grace ang tulog ni Valerian kaya nagluto na lang siya mg makakain nila mamayang gabi. Maingat siya sa paghahalo ng ingredients. Baka bumagsak mamaya si Valerian sa CR. Kawawa naman.

Halos oras na para kumain ng hapunan nang magising si Valerian. Papungas-pungas pa ito nang pumasok sa kusina.

"Hey." May pag-aalangan sa boses nito.

Hinintay niyang banggitin nito ang pinag-usapan nila kanina pero wala.

Ngumiti siya, saka ipinaghila ito ng upuan. "Kain na muna tayo," sabi niya. "Nakapagluto na ako."

Tumaas ang dalawang kilay nito. "Hindi kaya sa CR ang bagsak ko nito?" tudyo nito sa kanya nang makaupo sa silya.

"Sana hindi," sagot niya. Naglagay siya ng pagkain sa pinggan nito, saka umupo na rin sa kaharap nitong silya at hinintay na kumain ito.

"Here we go," sabi ni Valerian, saka sumubo ng pagkain sa bibig. He chewed and then swallowed. "Hindi gaanong masarap pero puwede nang pagtiyagaan."

Mahina siyang natawa. "Ayos lang sa 'yo kahit hindi masarap?"

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "I think I can live with it."

Gumuhit ang munting ngiti sa mga labi ni Grace. "Talaga?"

"Talagang-talaga." Kinindatan siya nito. "Ikaw pa, malakas ka sa 'kin, eh."

Lumapad ang ngiti niya. "Dahil diyan, ipagluluto kita araw-araw."

Nabulunan si Valerian na ikinatawa niya nang malakas.

"Natakot ka, 'no?" tudyo niya.

Umubo ang lalaki, saka mabilis na uminom ng tubig. "Puwede naman siguro tayong kumuha ng tagaluto kapag mag-asawa na tayo."

Napakurap-kurap si Grace at ganoon din si Valerian na natigilan at mukhang na-realize kung ano ang sinabi.

She blushed as she looked down on her plate. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang kinikilig na ngiting gustong kumawala sa mga labi niya.

Narinig niyang mahinang napamura si Valerian. "Grace, look at me."

She did.

"Kalimutan mo ang sinabi ko. I didn't mean it."

Parang may kumurot sa puso niya. "Oh. Okay."

Naghari ang katahimikan sa hapagkainan. Wala silang imik pareho. Hinintay ni Grace na magsalita si Valerian at banggitin nito ang pinag-usapan nila kaninang umaga pero hanggang natapos na lang ang pagkain nila, nanatiling tahimik ang lalaki. 


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWhere stories live. Discover now