"Okay. Manonood tayo ng sine." hinalikan ko ang pisngi niya at napahagikhik.

"Stop kissing me, Rosalyn," he tease me. "Baka iba pa ang magawa ko."

Sa sinabi niyang 'yon ay uminit ang pisngi ko. Tinawanan niya ako at hinila papuntang sinehan. Ewan ko ba pero ang sarap niyang panggigilan ngayon. Gusto kong pupugin ng halik si Felix. Maybe because I just missed him so bad.

Nang makapili ng panonoorin ay bumili kami ng ticket. Bumili rin kami ng makakin. Ilang sandali pa ay pumasok na kami at pumwesto sa may bandang gilid. Hindi ako masyadong mahilig sa mga love stories pag dating sa movie. I prefer action ang genre at Science fiction.

Sa mga libro lang talaga ako naaliw na magbasa ng mga love stories na may erotica. Paborito ko si Colleen Hoover at Anna Todd.

"You okay?" tanong ni Felix ng hindi ako umiimik. Paano kasi ay nakatutuk ang mata ko sa palabas. Tumango lang ako at hindi siya tinignan.

I'm on the depth of screaming when Felix touches my thigh. Paano kasi at kamuntikan nang mahulog sa building ang bida! Matagal narin kasi simula noong huli akong nanonood ng ganito dahil narin busy sa trabaho. All time favorite ko ang The Expendables! Pati narin ang Resident Evil although zombies iyon. Pero syempre ay the best parin para saakin ang The Walking Dead pagdating sa ganoon genre.

"Rosalyn,"

"Hmm?" pinasadahan ko ng tingin si Felix. Sandali lang at muling itinuon ang mata screen.

God! Ang hot lang talaga ng mga lalakig bida kapag action! Pati kapag iyong bidang lalaki ay sugarol, pariwara. Hilig ko talaga ang mga bad boy. Paborito ko rin ang Triangle though Korean Movie 'yon. Tapos 'yong mga secret agents na lalaki tapos 'yong babae ang magiging daan upang makakuha siya ng detalye tungkol sa misyon niya tapos mahuhulog ang loob niya sa babaeng 'yon ngunit hindi sila pwede sa isa't isa. Katulad noong Healer! Cliché sabihin... iyong twist talaga ng plot sila humuhugot para mas gumanda ang takbo ng kwento.

Naalarma ako ng haplusin ni Felix ang hita ko. Madilim man ay kitang kita ko ang pagningning ng mata niyang nakatitig saakin. Bigla akong kinabahan at napalunok ng maraming beses. Pakiramdam ko ay sumikip ang sinehan kaya naman sumikip rin ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.

"Felix, bakit?" ani ko at tinanggal ang kamay niya sa hita ko ngunit muli niya iyong binalik. Shit.

Kalma, Rosalyn! Boyfriend mo siya hindi ka dapat kabahan. Hindi siya sumagot, bagkus ay inilapit niya ang mukha saakin at hinawakan ang pisngi ko. Kitang kita ko ang desire sa mukha niya mula sa ilaw na nanggagaling sa screen. Humigpit ang hawak ko sa upuan.

"Felix, madaming tao." sinubukan ko siyang pigilan ngunit ayaw niyang paawat. At ngayon ko lang siyag nakitang ganito kasabik saakin.

"One kiss,"

"Pero-"

Hindi na niya ako pinatapos at siniil ako ng nag aalab na halik. Napahawak ako sa kamay niyang nasa pisngi ko. Napapikit ako at tinugon ang mainit niyang halik. He groan in my mouth and deepen the kiss. God. I can't believe we're making out here! Kung saan pwede kaming makita ng maraming tao. Napasabunot ako sa buhok niya... ang isa kong kamay ay nasa dibdib niya.

"Fel-" pinutol niya ang sasabihin ko at muling sinakop ang labi ko.

Napakislot ako sa aking upuan ng hilain niya ako papalapit sa kanya. Hinabol niya ang labi ko at bumaba ang halik niya sa panga ko. Nang makarating ang labi niya sa leeg ko ay tumingala ako upang bigyang daan ang labi niya. Gusto kong huminto ngunit hindi ko magawang umapela. Shit. Nagiinit na ang katawan ko.

"Ehem!" nang may tumikhim sa likuran namin ay mabilis kong itinulak si Felix at inayos ang upo ko.

Oh my God! May nakahuli pa yata saamin. Napapikit ako ng mariin at kinalma ang naghaharumentado kong sistema. Hiyang hiya ako sa kung sino man siya.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now