Lumapit si KC saamin. Binigyan ko siya ng tubig at bimpo. Umupo siya sa tabi namin.

"Chumachar-char ka na mylabs ha? Galing mo na talagang sumayaw" sabi ko.

"Thanks to KPOP" Ginulo ko ang buhok niya. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano ng tumayo si Angela habang nakalagay ang phone sa tenga. "O, saan punta mo?" Tanong ni KC.

"Ah kasi si Harvy may ibibigay daw siya galing kay Kuya. Madali lang ako" At nagmadaling lumabas sa dance hall. Nagkatinginan kami ni KC.

"Guys," Bigla salita ni Sittie.

"Yes?" Sabay naming sagot ni KC.

"May napapansin ba kayo kay Angela this past few days?" Tanong niya. Nagkatinginan ulit kami ni KC.

"Huh? Ahm... wala naman. Bakit?" Tanong ko.

"Kasi parang sobrang attach siya kay Harvy?" Ito na nga ang sinasabi namin ni KC eh.

"Selos ka?" Pang-aasar ni KC pero siniko ko siya. Naintindihan niya naman siguro.

"I was just curious kasi iba talaga ang kinikilos niya ngayon kaysa dati. And kung mag tinginan sila ni Harvy ay parang may spark or something" Tama ka sa mga hinala mo kasi gusto nila ang isa't isa.

"Baka close lang talaga sila, Sittie. Wag ka ngang mag-isip ng kung ano diyan" Pinapagaan ko lang ang loob niya.

"Yeah, yeah, but there's really something eh. May nararamdaman akong kakaiba" Malalaman mo rin sa tamang panahon. Kung pwede nga lang namin sabihin pero gusto ko o namin rather na si Chuchay ang mag sabi.

"Sittie, stop your illusions. Nag o-over think kalang" I said.

"Hay" She sighed. "Hindi ko na'to iisipin. Angela is my best friend I shouldn't think something that can ruined our friendship. Sorry guys" Tama ka sa lahat Sittie. Pero wag kang mag-alala malalaman mo rin.

"It's ok..." Pagkatapos namin mag-usap ay dumating na si Angela.

"O, anong chika?" Ang laki ng ngiti ni girl.

"Wala tungkol lang sa sayaw natin. Namomoblema si KC" pagsisinungaling ko. Minsan dapat nating magsinungaling para walang away at misunderstanding.

"KC" lumapit si Minkyu. "Hi Sam" ningitian ko lang siya. "Tawag ka daw ni Kirby" Tumayo siya.

"Ah sige sunod na ako" Nagpaalam muna si KC mukhang nagka-problema sa music tapos si Sittie ay magc-cr lang daw muna.

"Anong ginawa niyo ni Harvy?" Seryosong tanong ko.

"Ha? May binigay lang siya..." Parang kinikilig ang baliw.

"Nanliligaw na ba?" Diritsong tanong ko. "Is Harvey courting you, Angela?"

"Huh? Anong courting?" Hay Chuchay!

"Nanliligaw na ba siya, si Harvey?" Tumango siya. Napa-face palm ako.

"Chuchay, bago lang sila ni Sittie. Tapos aware ka naman na hindi yan nag-seseryoso right? And meron siyang sinend sayo after nung break up daw nila ni Sittie na Girls, are not really important, then it comes na ikaw ngayon ang nahulog sa patibong niya? It's unbelievable" Galit na galit pa nga siya nun eh. Pero ngayon baka siya nanaman ang saktan. And grade 10 pa kami. We're still young.

"Alam ko, Sam. Also me hindi ko alam na mahuhulog ako sakanya. Oo, kilala ko siya. He has a rock heart. And kung ano ang gusto niya masusunod palagi. Noong Grade 8 pa nga tayo ay nag-away tayo dahil lang sa problem solving sa math na pinag-tripan niya ako pero nilabanan mo ko. And by that time marami din siyang girls" Alam mo naman pala eh! Oha, grade 8 pa kami sobrang playboy na ni Harvey. "Pero ,Sam, nag-iba ang lahat eh. Nag-iba talaga. Biglang nagbago"

"Alam ko, Chay. We're always here to support you. Pero iba ang situation eh. Hindi pa naka move on si Sittie and worst mahal niya. Hindi ko sinabing tigilan mo si Harvey, ang gusto ko ay malaman ni Sittie ang lahat ng namamagitan sa inyo. Ayaw kong o natin mag mukhang tanga si Sittie at nakakaramdam narin siya, Chay" Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sam, kailangan na kailangan ko ang tulong niyo. Tulungan niyo akong sabihin sakanya" I smiled at her.

"Gaya ng sabi ko. We're always here whatever it is. But please do the right thing and do the better than best" Huminga siya ng malalim at tumango. Minsan lang kaming mag-seryoso dalawa. Kaya lubus lubusin nato. At mukhang wala pang naiisip na kabaliwan si Chuchay eh.

"Ok girls! Set up na. Mag-prapractice na tayo" Tumayo na kami at pumunta sa respective areas at timing na dumating si Sittie at tumabi na sa amin.

Matapos na sana ito...

-

Best Friend Goal #4: Better not to keep secrets to your best friend to keep your relationship stronger.

Best Friend Goal #5: Be true, never ever lie.

Best Friend GoalsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora