Dinig na dinig ko na yung background music na gagamitin para sa ramp ngayon. Lumabas na sina Jamie kaya hinila ko ang braso ko kay Brandon.

"Sana akin ka." Aniya bago niya ako pinakawalan.

No. Way. I belong to Jacob Buenaventura. And he belongs to me...

Nang natapos ang ramp, para din akong nabunutan ng tinik. Ngayon, kaya ko nang rumampa ng walang rehearsal. Nabawasan na rin ang kaba ko. As usual, marami din ang natanggap kong flowers. Yun nga lang, walang galing kay Jacob.

"Bihis na kayo... Bikini ah? Lubus-lubusin na natin kasi uuwi na tayo mamaya!" Sabay tawa ni Kira.

"Of course naman!" Sigaw ng ilang models.

Nagdala ako ng bikini pero wala akong planong maligo at magbikini lang. Susootin ko ito pero syempre, mag sho-shorts at racerback akong lalabas dito sa dressing room. Hinubad ko ang gown at sinoot ang bikini.

Habang tinitignan ko ang sariling repleksyon ko sa salamin, narealize kong may kung ano sa dibdib ko. Marami... Mapupula at maliliit na pantal ang tumambad sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang at nasa loob ako ng cubicle. Masyado akong preoccupied kanina nang nagbihis ako kaya di ko namalayan. Mabuti na lang at di sexy yung gown ko kaya hindi ito nakita! My God!

Hinawakan ko isa-isa ang mga pantal. Siyam ang nabilang ko. Nakapaligid sa dibdib ko. Kiss marks! Damn, Jacob!

Naalala ko yung mga maiinit at matatagal na halik niya nung nasa shower kami. Nagmadali ako sa pagbibihis. Ni hindi ko naisoot yung racerback na dala ko dahil may isang magpapakita. T-shirt ang sinoot ko para walang kissmarks na makikita.

Agad kong hinanap ang cellphone ko. Nakita kong may missed calls galing sa kanya. May text din siya.

Jacob:

Nasa Alegria na ako. I miss you. Sorry sa ginawa ko. :(

Ni-dial ko agad ang numero niya nang walang pag-aalinlangan.

Tumatawa siya nang sinagot ko.

"Jacob!" Sigaw ko.

"R-Rosie?" Naramdaman ko agad ang tensyon sa boses niya.

"Bakit mo ginawa ito sakin?" Sigaw ko.

Napapikit ako sa gigil.

"S-Sorry." Napabuntong-hininga siya.

"Alam mo namang may ramp ako ngayon! Buti hindi revealing yung soot kundi maliligo ako ng make up sa kakatago sa kissmarks mo!"

"I'm sorry... Hindi ko lang talaga kaya."

Suminghap ako at napaface-palm, "Alam ko. Hindi ko naman gagawin kung ayaw mo. Hindi mo naman to kailangang gawin."

"Sorry, talaga. Galit ka ba?"

"Hindi. Naiinis ako sayo. Paano kung hindi ganoon yung gown ko?"

"Edi umuwi ka na lang tsaka... wa'g ng mag model."

WHAAAT? Easy for you to say that!!! Pwede ring sabihin kong ikaw din sana umuwi na dito? Pero hindi, eh. Ako yung nag encourage sa kanyang mag field-study diyan kaya dapat suportado ko siya all the way.

"Rosieee... Sorry na... Rosiee."

"Oo na... Haaay! Lagot ka talaga sakin pag nagkita tayo ulit!"

"Sorry na... Ahhh... Sorry na... Alam mo namang ayokong may nakakakita sa katawan mo, eh. Naiinis ako. Sorry, para akong bata... Hindi ko na uulitin. Promise, next time, pagmagkakissmarks ka, aksidente na lang yun. Hindi na sinasadya... Kaya sorry na."

Napangisi ako sa sinabi niya, "Ewan ko sayo! Sige na nga! Uhmm... Tawag ka na lang mamaya. Around 10? Nandito pa kami sa Sortee. 9PM pa ang uwi namin."

"O sige. I miss you."

"I miss you din."

"I love you."

"I love you, too."

"I love you, more. Sige, ah? Bye na. Pakabait ka diyan."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Pagkatapos naming mag usap, inayos ko ang gamit ko saka lumabas sa cubicle.

Nawindang ako nang nakita kong tulala si Brandon habang naka upo sa waiting area ng dressing room.

Nahuli ako sa pagbibihis kaya wala nang tao dito. Hindi ko alam na nandito pala siya. Ni hindi ko namalayang may pumasok. WHAT THE? Narinig niya ang usapan namin ni Jacob tungkol sa kiss marks?

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon