"Make-up na girls!" Sigaw ni Kira sabay palakpak. "Yung gowns!"

Skin tone ang gown ko. Long sleeve din ito at puno ng sequins. Tinali lang ang buhok ko at mejo dark ang make up, pulang pula ang lipstick. Pambawi di umano sa skin-tone kong gown.

"Tapos na ang finale?"

Dalawang oras ang paghahanda. Dumami na rin ang mga tao sa venue. Dinadalaw na naman ako ng kaba kaya tinignan ko ang cellphone ko.

Inisip kong hindi pa nakakarating ng Alegria si Jacob kaya malamang tulog pa iyon sa byahe. Tinago ko na lang ulit ang cellphone ko at naghanap na lang ng makakausap.

"Juskooo! Ang daming tao." Pinaypayan ni Jamie ang sarili niya.

Naka kulay skin-tone na gown din siya. May deep v-neck ito at hindi longsleeve tulad ng akin. Kausap niya ang mga kaibigan niya.

"Rosie, handa ka na ba?" Tanong ng isang kaibigan niya.

"Hindi pa pero bahala na." Napalunok ako.

"Kami rin! Oh my Gosh! Kami yung unang lalabas eh. Mas kabado talaga pag walang rehearsal ano?"

Tumango ako.

"Buti pa itong si Brandon." Sabay turo ni Jamie kay Brandon na nakuha pang makipag biruan kasama ang ibang male models.

Naka skin-tone longsleeve siya at ilang butones lang ang nakasarado. Kitang kita ang maputi at firm niyang abs.

Naaalala ko tuloy si Jacob. Na mi-miss ko na ang sparkling abs niya. Kahit hindi pa kami nag iisang araw na magkahiwalay, namimiss ko na siya agad.

"Stop staring, Rosie." Nakangising saway ni Brandon sakin.

Uminit ang pisngi ko. Kanina pa pala ako natutulala sa abs niya. Siyet!

"Oh, gusto mo pa yata?" Tumawa siya at umambang buksan ang natitirang butones sa soot niya.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin.

"Natulala lang ako. Hindi ko naman yan tinititigan." Sabi ko.

"Defensive!"

Suminghap ako at tinalikuran siya.

Pero bago ako nakaalis ay hinila niya ang braso ko. Hinarap ko siya para sana bigwasan pero nakita kong seryoso ang mukha niya at diretso ang tingin niya sakin.

"You're too beautiful to let go, Rosie."

Napalunok ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kami bago sumigaw si Kira...

"Ready naaa! Magsisimula na!"

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon