"Uhmmm, Jacob."

"Hmmm?" Sumulyap si Jacob sakin.

Siya ang tipong suplado lalo na pag di ka niya kilala. But he can be very caring... Naalala ko noon kung paano niya pinagtatanggol si April. Naalala ko rin kung paano siya naglihim sakin na pinatuloy niya si April sa bahay nila dahil naawa siya dito.

"Nag text si Jasmine." Sabi ko.

"Talaga?" Nanlaki ang mga mata niya. "Anong sabi?"

Nasa kalsada parin ang tingin niya.

"Super thank you, Jake." Inulit ko ang nakalagay sa text.

Hindi siya umimik. Patuloy siyang nagdrive hanggang sa narealize kong gusto ko nang mag follow-up question.

"Bakit siya nag thi-thank you?"

"Hmm. Hindi ako sigurado. Siguro dahil dun sa Alp. Alam mo na, yung welcome party ko. Sinagot ko yung inuman ng mga empleyado nila."

"Ahh..."

Hindi na ulit ako nagtanong kahit marami naman akong gustong itanong. Bakit Jake yung tawagan nila? Lagi ba silang angti-text?

Pero mukha namang wala lang kay Jacob yung nangyari kaya binalewala ko na lang.

"Sayang di nag college iyang si Jasmine. Kung sana sa school siya nag aral tapos business management din, baka magaling siya." Sabi ni Jacob habang nagpapark kami sa bahay nila.

Tumango ako, "Bakit mo nasabi?"

"Alam niya yung ilang subjects ko eh. lalo na sa reports."

"Ah? May reports pala kayong gagawin?"

"Oo. Syempre... Kaya ayun, tinutulungan niya akong gumawa."

Natigilan ako. Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ayokong magpakaplastik at ipakita sa kanyang supportado ko siya pero ayoko rin namang maging selfish. Tama na ang pagiging makasarili ko noon. Kailangan kong magtiwala sa kanya.

Paano ko kaya malalaman kung nagchi-cheat na ang boyfriend ko? Hindi ko alam. Hindi ko masagot. Kinakabahan ako sa magiging sagot nito.

Nagbihis na ako at humiga sa kama habang mag sho-shower si Jacob.

"Rosie, sabay na tayo?" Ngumisi siya.

Pero wala ako sa mood. Maraming tumatakbo sa isip ko. Ngumiti na lang ako at umiling.

"Huh? Bakit?"

Nakatuwalya lang siya nang nilapitan ako. Kahit ganito ang pakiramdam ko, nadadala parin ako ng sparkling abs niya. Lalo na pag nararamdaman ko ang mainit niyang katawan malapit sakin.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon