"I don't know. Maagang umalis si Mama dahil madami silang gagawin sa salon. Ginising ako ni Rosh, nadatnan ko na lang ang dalawang 'yon sa sofa."

"Ba't hindi mo pinauwi? Kuya naman, napag-usapan nanatin ito, hindi ba? Galit ka kay Samson!"

Tinagilid ko ang aking mukha ng lapitan ako ni Kuya. Hindi ko alam kung bakit pero nangilid na lang ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. God. Hindi ko mailabas ang hinanakit ko. Ang dami kong gustong ibatong salita kay Samson ngunit dumidilim ang paningin ko sa tuwing nakikita siya at ang gusto ko na lang ay lumayas siya sa harapan ko. Yinakap ako ni Kuya at pinahinga ang ulo ko sa dibdib niya.

"Pagpasensyahan mo na si Kuya, Rosalyn, alam mo namang may pinagsamahan kami ni Samson. I thought you're okay now. Ang alam ko ayos na sa'yo kung kakausapin ko siya. I just missed hanging out with them." lumayo ako at napapikit.

"Magiging ayos lang ako kung aalis na sila."

"Rosalyn, it's been a year. Pwedeng kalimutan mo-"

"Nakalimutan ko na siya, Kuya. Ang akin lang ay bakit kailangan pa niya akong lapitan at pakialaman? Matapos niya akong saktan ganito niya ako tratuhin? Basta basta na lang siyang pupunta dito na parang welcome siya palagi?"

Natigilan si Kuya at napaawang ang labi sa narinig. Huli na ng marealize ko ang sinabi. Napayuko ako at muling hinarap ang sink.

"May nangyari ba sa party, Rosalyn? Anong ibig mong sabihin?" umiling ako.

"Wala. Wala, Kuya, please, paalisin mo na lang sila."

Bago pa man siya makasagot ay iniwan ko na siya at tumakbo papuntang kwarto. Rinig ko pa ang pagtawag niya saakin ngunit nagbingibingihan ako. Linock ko ang pintuan at umupo sa kama. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

Dapat hindi na ako naaapektuhan. Dapat wala na lang saakin ito. Dapat hindi na lang ako nagsalita at hindi sila kinibo. Dapat iniwasan ko na lang sila. Ako na ang mismong lumalayo ngunit pakiramdam ko ay siya naman itong humahabol saakin. Napailing ako. Imposible ang iniisip ko. Kitang kita ko kung gaano niya kamahal si Talia, kung paano niya ito alagaan. Kung hindi siya seryoso kay Talia ay hindi niya ito ipapakilala sa pamilya niya.

Tama. Nahihinabang na siguro ako upang isipin ang bagay na 'yon. Dahil kung may nais siyang sabihin saakin ay dapat sana noon pa niya sinabi. Noong panahong handa pa akong patawarin siya. Kasi ngayon, natabunan na si Samson sa puso't isipan ko. Nadaganan na siya ni Felix at hindi ako nagsisising muling mag mahal. Pinaramdam saakin ni Felix kung gaano ako ka espesyal sa kanya kahit hindi ko siya pinapansin noon. Nag pursigi siya saakin sa loob ng walong buwan at hindi ko sasayangin ang pagmamahal na binibigay, pinapakita at pinaparamdam niya saakin.

Naging mapusok ako noon kay Samson. Ngayon alam ko na ang gagawin. Iyon ay ang lumayo sa kanya dahil nakakasama siya saakin. Saamin ni Felix. May kanya kanyan na kaming buhay kaya sana naman ay tigilan na niya ang pangingialam at paglapit saakin.

Kinuha ko ang aking phone. Napangiti ako ng makita ang dalawang text ni Felix.

Felix:
Good morning, beautiful :)

Felix:
Gising ka na? Text mo ako kung nabasa mo na ito ah? Love you.

Sinandal ko ang katawan sa headboard at nagtipa ng reply.

Ako:
Morning Felix, kagigising ko lang eh. Nasa trabaho ka na? Ingat ka diyan, okay? I love you too :)

To Be Only Yours जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें