"Mabuti at dumating kana. Kanina ko pa gustong umalis doon." pagsusumbong ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Sorry, Rosalyn. Bwisit kasi! Tarantado kasi 'yong isang empleyado. Lasing." iritado ang mukha niyang sabi. Hinaplos ko naman ang braso niya upang kumalma. Sabi ko na nga ba at hindi magandang ideya ang pagpunta dito. Pagod siya sa trabaho pero heto at nakuha pa niyang pumunta dito.

"Kumain ka na? Anong gusto mong kainin?" nginitian niya ako.

"Mamaya na, ipapakilala muna kita sa kanila." hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa isang pabilog na lamesa. Tinaasan ko ng kilay si Carmina ngunit tinawanan niya lamang ako.

Grabe at nandito pala sila! Habang ako ay nakikihalubilo sa mga Ortega ay nagpapakasaya sila dito! Susugurin ko na sana si Carmina ngunit natigilan ako ng may makita akong bagong mukha.

"Gago! Ang akala namin ay hindi ka na makakarating!" bungad ni Phoenix at bahagyang sinuntok si Felix.

"Good to see you." ani naman ni Jackson at nakipag man to man hug.

"Congrats nga pala, pare, akalain mo at ikaw pala ang susunod kay Carlos." nagtawanan sila at tumingin sa magkasintahang nakaupo. Ilang beses akong napapikit at tinitigan ang babae. Wow! She's so beautiful! Lipstick lang ang kolorete sa mukha niya ngunit nangingibabaw na ang kagandahan niya.

"Rosalyn, meet Jackson at Trixie." nginitian ako ni Jackson. Nagulat naman ako ng yakapin ako ni Trixie. Ang bango niya, ang ganda ganda pa.
"Wow! Ikaw pala si Rosalyn. Nice to meet you."

"Nice to meet you, too. Congrats nga pala sa inyo." humagikhik siya at linapitan si Jackson. Mabilis na dumako ang kamay niya sa bewang nito.

"Thank you!"

"Odessa, this is Rosalyn, my girlfriend." natigilan ako ng tumayo si Odessa at yinakap din ako. Grabe! Amoy baby siya. Nang humiwalay siya ay nginitian niya ako ng matamis.

"You're so beautiful." wala sa sarili kong sabi. Nagtawanan sila ganoon din ang kasintahan niya.

"Thank you! You're so beautiful, too." uminit ang pisngi ko ng halikan ni Felix ang sintido ko.

"Siya naman si Carlos, asawa niya." tinanguan niya ako at inakbayan si Odessa. "Nasaan ang inaanak ko? Hindi ninyo kasama?"

"Nasa Manila, inaalagaan ni Mommy." sagot ni Carlos.

"Hep! Tama na 'yan, guys! Sayaw tayo!" sigaw ni Carmina at hinila si Berny habang tumatawa. Sumunod naman sila hanggang sa kami na lang ni Felix ang naiwan. Nakangiti ako habang pinapanood silang sumasayaw. Aliw na aliw sila sa kantang New Perspective.

"Rosalyn," napabalikwas naman ako ng bumulong si Felix sa tenga ko. Tumatawa akong humarap sa kanya.

"Sayaw tayo?" tanong ko ngunit sinimangutan niya lamang ako.

"Gutom ako."

"Okay. Kukuhanan kita ng pagkain. Hintayin mo na ako dito." tumango naman siya na parang bata at dinampian ng halik ang labi ko bago ako pinakawalan.

Kumuha ako ng plato at nagdiretso sa mga nakahilerang pagkain. Hindi naman maarte si Felix sa pagkain. Magugustuhan naman niya siguro ang kukunin ko. Nang hawakan ko ang serving spoon at kukuha na sana sa isang putahe ng may pumigil saakin.

"May manok 'yan, hindi ba't allergic ka doon?" tumaas ang kilay ko ng makita si Samson habang nakahawak ng basong may red wine. Anong ginagawa niya dito? Sinusundan ba niya ako? Tumingin ako sa lamesa nila ngunit wala doon si Talia.

Hindi ako sumagot at muling hinawakan ang serving spoon ngunit muli niya akong pinigilan.

"Ano bang problema mo!" pigil pigil ko ang aking boses.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now