Napaka-weird talaga ng lalaki. Ito ang taong napakadaling mag-alala at napakadaling magalit na parang bombang sumasabog. Pero ito rin ang nakilala niyang lalaking sweet at mahalay.

Natawa si Grace sa panghuling naisip. Mahalay talaga si Valerian. Sigurado siya do'n. Kasi naapektuhan na siya sa kahalayan nito. Kapag kasama niya si Valerian, all she could think about was undressing him, taking him to bed kissing his chest, sucking him and making love with him.

Feeling niya ay adik siya. Pero hindi naman yata kasi kay Valerian lang naman siya ganoon, hindi sa ibang lalaki. Kaya masasabi niyang kay Valerian lang siya adik.

Bumuntong-hininga siya, saka naghanda na para umuwi.



Mag-a-alas-sais na ng gabi pero wala pa si Valerian at ayos lang 'yon kay Grace. Hindi kasi siya makapag-decide kung ano ang susuotin.

For the first time in her life, she wanted to look beautiful for a guy. She wanted to look perfect.

Sabi ni Valerian ay dinner party daw sa bahay ni Knight Velazquez ang pupuntahan kaya she wanted to look best. Para maipagmalaki siya ni Valerian.

She called Tessmarie.

"Girl, napatawag ka. May kailangan ka?" agad na tanong ng kaibigan.

Huminga siya nang malalim. "May pupuntahan akong dinner party kasama si Valerian. And I don't know what to wear." Nagpa-panic na siya. "Please, tulungan mo ako."

Tessmarie giggled. "Leave it to me."

"Nandito ako sa condo."

"I'll be there."

Nakahinga na nang maluwang si Grace sa narinig. She hanged up and waited for Tessmarie to arrive.

After twenty minutes, Tessmarie entered her house.

"Okay, girl. Ipakita mo sa 'kin ang mga damit mo," agad nitong sabi nang makapasok sa unit niya.

Hinila niya si Tessmarie patungo sa kuwarto niya, saka binuksan ang closet. "Hindi ako makapili," sabi niya.

Nagmamadaling inisa-isa nitong tiningnan ang naka-hanger niyang mga damit. Napatigil ito sa pag-iisa-isa sa mga damit niya nang makita ang itim niyang damit na iniregalo ni Nali sa kanya noong kaarawan niya.

Grace bit her lower lip. "Sa tingin mo bagay 'yan?" tanong niya.

Ngumisi si Tessmarie. "Yes! Bagay 'to sa 'yo." She sounded excited. "Bagay na bagay 'to sa 'yo, girl!"

Huminga siya nang malalim. "Sige. I'll try it on."

Tessmarie wagged her eyebrows at her. "Go on," she urged her. "Isuot mo na."

Kinuha niya ang damit, saka tumakbo patungong banyo at nagbihis. Nang lumabas siya, napatili si Tessmarie.

"Ayie!" Mabilis itong lumapit sa kanya, saka hinawakan siya sa baywang at sinuri ang katawan niya. "Wow. Ang sexy mo, girl!" Ang lapad ng ngiti nito. "Bagay na bagay."

Napangiti si Grace habang nakatingin sa salamin. Hapit na hapit sa katawan niya ang tube dress na suot, kita ang maputi at makurba niyang baywang. Para ngang naubusan ng tela ang damit niya dahil hanggang kalahati lang iyon ng hita niya. Her back was bare, down to the base of her spine. All in all, ang sexy ng damit niya at nasisiguro niyang magugustuhan 'yon ni Valerian.

"This is it," sabi niya, saka ngumiti. "Now, I have to do my hair."

"Tutulungan kita," wika ni Tessmarie, saka sinuklay ang buhok niya.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWhere stories live. Discover now