CHAPTER 13

2.3M 40.4K 10.9K
                                    

CHAPTER 13

Nakangiti si Grace nang makauwi siya sa condo niya. Wala na roon si Nali, nag-iwan na lang ito ng sulat para sa kanya na nagsasaad na umalis na ito patungong Japan at pinakain na raw nito ang aso niya.

"Hello, Valerian, baby." Agad niyang kinarga ang aso. "Kumusta ka na, baby?"

Valerian barked.

Grace smiled. "Na-miss mo ako?"

Valerian barked again.

"Aw, na-miss din kita." Ginulo niya ang balahibo nito sa ulo, saka iinilapag uli ang alaga sa sahig. "Anyway, baby, magbibihis lang ako, 'tapos susunduin ako uli ni Valerian." She smiled widely. "Ipapasyal daw niya ako. Hindi ko nga lang alam kung saan. Pero ikaw, iiwan muna kita sa 'baba, ha?"

Valerian barked again and nuzzled her feet. Napangiti siya, saka pumasok sa banyo para maligo at nagbihis ng simpleng denim jeans, polo shirt na pambabae, saka flat shoes.

Pagkalabas niya sa kuwarto niya, tamang-tama naman na nag-ingay ang doorbell ng condo.

Grace excitedly went to the door and opened it.

"Hey." Nginitian niya si Valerian.

Valerian smiled, his eyes shining. "Hey, moon cake."

Nakakatuwa at ngumingiti na ito. Noong unang nakilala niya ang lalaki, parang ang mahal ng ngiti nito. Pero ngayon tuwing nagtatama ang mga mata nila, awtomatikong ngumingiti ito. He liked the changes in Valerian. It softened her heart more and she liked him even more.

"Aalis na tayo?" tanong niya.

"Yep."

Napangiti siya nang kinarga ni Valerian ang aso niyang si Valerian, saka tinapik-tapik ang ulo nito. "Come on, iiwan natin itong aso mo sa 'baba."

Salamat naman at hindi na ito nagseselos sa aso. "Sige."

Nang makababa sila at iniwan si Valerian na aso niya sa ibaba, sabay silang sumakay sa kotse nito, saka pinaharurot nito iyon.

"Moon cake?"

"Ano 'yon?"

"Noong bata ka pa, may gusto ka bang mapuntahan na hindi mo napuntahan dahil hindi ka hinayaan ng mga magulang mo?"

Hmm. Now that he asked her that, ginusto niya noong pumunta sa amusement park kaya lang hindi siya pinayagan ng kanyang ama noon. He said it was not educational and just a waste of her time.

"Amusement park," sabi ni Grace na may tipid ng ngiti sa mga labi. "I want to go to an amusement park."

"Amusement park," ulit ni Valerian, saka ngumiti. "Well, moon cake, we're going to an amusement park and we will make one of your childhood dreams come true."

Nanubig ang mga mata niya sa narinig. "Talaga? Pupunta tayo do'n?"

"Oo naman." He smiled. "Para sa 'yo."

Kinagat ni Grace ang pang-ibabang labi nang makitang pumarada nga ang sasakyan sa labas ng isang amusement park.

She sobbed silently. "Oh, my God." Mahigpit niyang niyakap si Valerian habang naiiyak. "Thank you, Valerian. Thank you!"

Valerian kissed her forehead. "Don't mention it, moon cake. Alam mo namang gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang."

That made her smile and her heart wildly beating inside her chest. "Salamat talaga, Valerian. Maraming salamat."

Sumingsinghot-singhot pa siya habang lumalabas ng kotse. Inakbayan siya ng lalaki, saka hinalikan sa gilid ng noo.

"Let's enjoy this day, moon cake."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWhere stories live. Discover now