Ngumiti si Grace at mabilis na tumango. Magkahawak-kamay silang pumasok sa amusement park. Sobrang excitement ang nararamdaman niya habang palinga-linga sa paligid at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa mga iba't ibang rides na nakapalibot sa kanya.

"Woooow!" Tumatalon pa siya sa tuwa. "Ang ganda!"

Mahinang natawa si Valerian sa reaksiyon niya. "Anong rides ang una mong gustong subukan?"

Grace was grinning from ear to ear. "Not rides. I want to skate!"

"Skate then." Iginiya siya ni Valerian sa isang napakalaking ice skating rink. "Here we go. Dito ka lang."

Sinundan ng mga mata niya si Valerian. Lumapit ito sa isang booth at nagbayad. May ibinigay na dalawang ice skating shoes ang babae sa booth. Then Valerian returned to her.

"Heto na." Pinangko siya ni Valerian, saka pinaupo sa mahabang silya na malapit sa ice rink.

Napangiti si Grace nang hinubad nito ang flat shoes niya, saka isinuot ang ice skating shoes sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa ginagawa nito. Pakiramdam niya ay isang siyang prinsesa kung asikasuhin ni Valerian.

Pinagtitinginan sila ng mga tao pero wala silang pakialam, lalo na si Valerian na ginawaran pa siya ng halik sa mga labi ng pagkatapos isuot ang ice skating shoes sa kanya.

"Kaya mo?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi ko alam kung paano."

Ngumiti ito at isinuot ang sariling ice skating shoes. Kapagkuwan ay pinangko siya at dinala sa gitna ng ice rink.

Grace was impressed on how good Valerian was in skating. He glided sexily. Wow.

Nang tumapak ang ice skating shoes niya sa yelo, mahigpit siyang napakapit sa balikat nito nang gumiwang siya.

Tumili siya. "Valerian!"

Tumawa nang malakas si Valerian. "I'll guide you. Hindi kita hahayaang matumba." Hinawakan siya nito sa baywang. "Balance your feet, push and glide."

Tumango siya at natawa nang hindi niya magawa. "I can't."

"Sure, you can, moon cake." Niyakap siya nito mula sa likuran habang itinutulak siya.

Grace giggled when she felt herself gliding in the ice. Valerian was indeed guiding her every glide. Idinipa niya ang mga braso, saka tumatawang ipinikit ang mga mata.

It was the best feeling in the world, ice skating with the man who was now a vital part of her life.

Nagtagal pa sila sa pag-i-skate bago sila tumigil dahil nanlalamig na ang paa at kamay niya.

"Valerian, ang lamig ng kamay ko," reklamo niya na naglalambing.

"Akin na ang kamay mo." He trapped her hands around his, saka hinipan ng mainit nitong hininga ang kamay niya. Ilang ulit nitong inulit 'yon. "Nilalamig ka pa?"

Lumamlam ang mga mata niya dahil sa ginagawa nito. "Salamat."

Ngumiti lang si Valerian, saka inilapat ang mga labi sa mga labi niya. Awtomatikong tinugon niya ang halik at iniyakap ang mga braso sa leeg nito. Nakalimutan niyang may mga taong nakapaligid sa kanila at dahil 'yon sa halik ni Valerian.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, nagkangitian silang dalawa.

"God, moon cake." Gumapang ang kamay nito sa pang-upo niya. "I want to fuck you right now."

Namilog ang mata ni Grace sa gulat sa sinabi nito. "Valerian! Ang bastos mo!"

Tumawa lang ito, saka niyakap siya. "Halika, sumakay tayo sa ibang rides."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWhere stories live. Discover now