Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sinong Jackson? Ang kaclose ko lang na kaibigan ni Felix ay si Sidrack and Sarah. Tina, Berny and Arlene, too. Tapos iyong si Trixie na kilala ko lang na kibaliwan noon ni Phoenix. Well, naikwento 'yon saakin ni Felix noong liniligawan pa lang niya ako.

"Sinong Jackson?"

"You don't know him? Tito Francisco's son." napailing ako. Nang huminto ang sasakyan ay nasa tapat na kami ng bahay. May kinuha siya sa backseat. Nagulat na lamang ako ng ibigay niya saakin. Inivitation card ito ah.

"What's this?"

"Invitation card to Jackson and Trixie's engagement party. Tita Gina and Tito Francisco invited you." napapikit ako ng mariin.

"Isaiah, hindi ako pupunta." binigay ko sa kanya ang hawak ngunit hindi niya kinuha at kinunutan ako ng noo.

"Why not? Parte ka ng pamilya, Rosalyn. Hindi mo man lang ba sila mapagbibigyan?"

"You knew what happened one year ago."

"That's my point. Isang taon na, Rosalyn. At ikaw na mismo ang nagsabing naka move on kana. Ano bang problema?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hindi niya talaga maintindihan. Hindi porket naging parte na ako ng family nila ibig sabihin lagi na akong imbitado sa gatherings nila. Ayoko talaga. Hindi sa alam kong nandoon si Samson. Ayoko lang talaga dahil wala na akong babalikan sa family nila. Gusto ko ng makalimot ng tuluyan at hindi makakatulong ang pagpunta sa family house nila. Binaon ko na sa limot si Samson. And I don't think healthy iyon kay Felix. Syempre at alam niyang ex ko si Samson.

"Titignan ko. Baka hindi ako payagan ni Felix."

"Aw! Come on, Rosalyn. You should come."

"We'll see."

Nagpaalam na ako sa kanya at nagpasalamat bago bumaba ng sasakyan niya. Nang makapasok ako sa bahay ay kaagad kong hinanap si Mama. Nadatnan ko siya sa kusina habang nagluluto.

"Nandito na ako." bati ko at humalik sa pisngi niya.

"Oh, anak. Mabuti at hindi ka nabasa. Ipapasundo sana kita sa Kuya mo, eh ang kaso hindi pa umuuwi ang isang 'yon." hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama bagkus ay linabas ko ang invitation card at ibinigay sakanya.

"Ano 'to, 'nak?" nag pakawala ako ng malalim na hininga.

"Iniimbita po ako ng mga Ortega sa family house nila. Engagement party ng pinsan ni Samson." pinatay ni Mama ang stove at hinarap niya ako. Napuno ng pag-aalala ang mukha niya.

"Anong sinabi mo?"

"Sabi ko titignan ko po. Ma, ayokong pumunta. I'm done with them. Ba't pa nila ako iimbitahan? Ni hindi ko nga kilala ang pinsan niyang 'yon." Kumuha ako ng pitsel sa ref at nagsalin ng tubig sa baso.

"Anak, naging parte ka ng pamilya nila."

"Ma, noon 'yon. Ayokong pumunta." napapikit ako ng maubos ang isang baso ng tubig. Hindi ko alam kung paano muling haharapin ang mga Ortega.

"Rosalyn, wala namang kasalan ang ibang Ortega sa'yo. Si Samson lang. Tapos na 'yon, 'nak. Swerte mo nga at naalala ka pa nila matapos ang nangyari sainyo ni Samson. Nagka-usap na kami ni Marites at Michael. Nagkapatawaran na kami. Humingi rin ng tawad saamin si Samson noon. Hindi ba pwedeng iyong ngayon na lang ang isipin mo?"

"Kailangan pa ba, Ma? Ayos na ako sa buhay ko ngayon. Ayoko na ng koneksyon sa mga Ortega." napabuntong hininga si Mama. Hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

"Hindi si Samson ang pupuntahan mo doon, Rosalyn. Ang akin lang ay huwag mo naman sanang masamain ang imbitasyon nila." ani niya bago ako tinalikuran at hinarap ang linuluto.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now