"Parang gusto ko ngang lumipat ng College Department. Gusto kong magturo ng Psychology since handle na ni Ma'am Palmes ang ganoong subject."

"Hindi ka pa ba okay sa tinuturo mo? You almost handle all English subjects, don't stress yourself, Ma'am." ngumiwi ako ng hampasin niya ang balikat ko.

"Sira! Sabi na ngang huwag mo akong tatawaging Ma'am kapag tayo lang ang magkasama. I want something new. Gusto ko ang field ng Psychology. Kaso ayaw akong palipatin ni Dean."

"Edi sana nag apply kana lang na psychic ni Madam Auring! Ewan ko sa'yo, Daniela, kumain na nga lang tayo." natatawa kong sabi at tinikman ang Chicken Curry.

Sinimangutan niya ako at inabala ang sarili sa pagkain. Pouting isn't bad for a College Professor like her. Twenty one na ako samantalang siya ay kakatwenty two lang last month. Bale tatlong buwan ang age gap namin. Hindi nalalayo ang edad namin sa mga kabataan.

My day went well, nanatili ako sa working desk ko hanggang sa mag alas singko ng hapon. Nag inat ako at hinaplos ang batok ko. Sumakit ang likod ng leeg ko matapos maupo ng ilang oras. Pinatay ko ang laptop ko at inayos sa bag ko. Nag walis muna ako saglit bago inayos ang ilang nagkalat na papel sa lamesa ni Dean. Kanina pa siya umalis at binilinan na lang ako ng dapat gagawin bukas since hindi siya papasok.

Nag retouch muna ako ng light make up at pinalitan ng dark red ang kulay pink kong lipstick. Bigay pa ito ni Mama saakin last month at ngayon ko pa lang gagamitin. I'm stick to one color. Although hindi ko masyadong gusto ang pink. Manipis lang kasi ang labi ko at mas gusto ko ang mga dark colors para medyo kumapal ang labi ko at maenhance ang shape niya.

Nang makalabas ako ng Dean's Office ay linock ko ang pintuan. Sa pagtalikod ko ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng bumungad saakin ang bouquet ng red and white roses.

"Happy monthsary, Rosalyn." nanlaki ang mata ko ng makita ang wagas na ngiti ni Felix. Litaw na litaw ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin.

"F-Felix!" mabilis ko siyang yinakap na halos maglambitin na ako sa leeg niya. Tumawa siya sa tinuran ko at hinalikan ang blade ng balikat ko. God! Halos malimutan ko ng third monthsary pala namin ngayon! Nang humiwalay ako ay dinampian niya ng halik ang noo ko ng tatlong beses.

"Surprise," kinagat ko ang ibabang labi upang maikubli ang ngiti sa labi ko. Shit, kinikilig ako. Felix is just too handsome today. Naka polo shirt siya ng kulay light blue. Maong pants and his brown boots. Bahagya ring nakataas ang buhok niya kaya naman nadepina ang shape ng mukha niya.

"I'm really surprised! Thank you. Happy monthsary." bumuka ang labi niya at may sasabihin sana ngunit hindi niya naituloy nang magsitilian ang mga studyanteng nanonood saamin. I almost forgot! Bawal ang PDA dito sa school!

"Felix! Marereport ako nito sa Guidance Office!"

"Sorry, naexcite lang ako. Kanina pa kasi kita gustong makita." kinuha ko sa kanya ang bulaklak at lumayo ng konti. I bit the inside of my mouth and cling my hand to his arms. Paano kasi at hinapit niya ako papalapit sakanya ng bahagya akong lumayo.

"Uwian mo na? Pwedeng saakin mo muna ibaling ang oras mo?" tumawa ako ngunit inismiran niya lamang ako.

"Sira! Hayan ka nanaman sa mga ganyan mo, Felix!"

"Because you love it." I wiggle my head. Ganyan kasi siya kapag alam niyang busy ako sa trabaho. Kahit boyfriend ko na siya ay tinatanong parin niya kung pwede ba niyang mahiram saglit ang oras ko para makasama siya. So sweet! Hindi parin kumukupas ang pangbobola niya saakin. Parang nanliligaw parin ang loko.

"Hindi ka hinatid ng service ninyo?" tanong ko habang palabas kami ng building. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga babaeng studyanteng nakatitig kay Felix. Hindi naman 'yon maiiwasan alam ko. He's a dancer. A former member of the group Less Than Three. Kahit matagal na silang hindi sumasayaw ay marami parin silang fans.

"Hinatid. Naligo at nagpalit lang ako saglit sa bahay. Bumili ako ng bulaklak bago ka sinundo." ani niya at humigpit ang kamay niya sa bewang ko.

"Ganoon ba. Akala ko ba alas onse ng gabi ang out mo ngayon?"

"Nakipagpalit ako ng oras kay Tommy. Monthsary natin, Rosalyn. Kailan pa kita hindi dinate basta monthsary natin?" napangiti ako ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. Para bang namamangha siya sa sinabi ko. Can't help it! Hectic ang schedule ng mga Engineer. Ang layo pa naman ng planta ng Holcim. Sa Quirino pa yata 'yon tapos heto at gumagawa parin siya ng oras para maidate ako.

"Wala ka pa namang nakakaligtaan."
"Syempre. It's our day. Our date. Hindi pwedeng hindi ko idate ang girlfrend ko." Napapikit ako ng dampian niya ng halik ang tungki ng ilong ko. Malalagot talaga ako nito sa Guidance Office kapag nakita kami ni Ma'am Pakak. Naturingan pa naman akong secretary ng Dean.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya habang inaabot saakini ang helmet na kulay blue ng makarating kami sa parkingan.

"L.U. BBQ. Bakit hindi mo dala ang Jeep Commander mo? Felix, alam mong hindi ako komportable sa motor."

"Blame Phoenix, hindi naman ako magdadala ng motor kung alam kong ayaw mo, Rosalyn. Nasa Talyer ang MU-X niya, ang akala daw niya gabi ako uuwi kaya hiniram niya ang sasakyan ko." napabuntong hininga na lang ako ng isuot niya ang helmet sa ulo ko. Ayoko talagang nagmomotor. Feeling ko mahuhulog ako sa tuwing paliko ang daanan.

"Ipaalala mo saaking batukan ang kakambal mo kapag nakita ko siya."

"Opo, Madam. Hop in."

Umangkas ako sa likuran niya at pinaikot ang kamay ko sa bewang niya. I can feel his abs against my palm. Ang tigas lang. Hinigpitan ko ang pagkakapulupot ng kamay ko sa katawan niya ng pinasibad niya ang motor. Nang huminto ang motora dahil sa traffic ay liningon niya ako.

"Ayos ka lang?" tinaas baba ko ang aking kilay.

"Yup!" He mouthed I love you, pinisil pa niya ang kamay ko sa bewang niya. Nahagikhik ako sa ginawa niya. Nanggigigil nanaman ang lalaking 'to!

Naagaw naman ng atensyon ko ang puting sasakyan ng huminto ito sa tapat ng motor ni Felix. The car looks familiar. Hindi nga ako nagkakamali ng makita ang plate number ng sasakyan since may malaking salamin sa harapan niya lulan ng isang tricycle. It was Samson's Navara! Kay liit nga naman ng mundo. Kinabahan ako ng bumukas ang bintana. It's been a year. Kinakabahan parin talaga ako kapag nakikita ko ang sasakyan niyang nakaparada sa labas ng department namin.

Tumaas ang kilay ko ng makita si Talia sa passenger seat. Akala ko ba break na sila? Balita noon sa buong department na naghiwalay na sila ni Samson. Kailan nga ba iyon? Two weeks ago? Nang mapansin ako ni Talia ay nginitian niya ako. Ngumiti ako ng hilaw sa kanya. Alam ba niyang dati akong kasitahan ni Samson? Urgh, Rosalyn! Nahihibang kana. Hindi na niya dapat pang malaman ang bagay na 'yon.

Kaagad akong umiwas ng tingin ng mapansin ako ni Samson. Fuck! Kailan nga ba noong huli ko siyang nakita? Isang linggo na yata ang nakakaraan! Ganoon na ganoon parin ang mata niya. Nababalot ng yelo at tagos sa buto kung tumitig. Noong mag karelasyon pa kami ay hindi ganyan ang mata niya. His eyes was full and expressive. Ngayon iisang emosyon na lang ang makikita sa mata niya. Hatred.

"Bye, Ma'am Rosalyn!" kumaway ako kay Talia ng banggitin niya ang pangalan ko. I thought hindi niya ako kakausapin. Si Samson naman ay hindi na nakatingin saakin. I swear! Kitang kita talaga ng mata ko kung paano niya pinindot ang isang button upang sumara ang bintana kahit may sasabihin pa sana si Talia. Yabang! Umikot ang mata ko kasabay noon ang pagsibad ng sasakyan niya paalis. Dumaloy na ang traffic at hindi na babad sa araw ang balat ko.

Nakadama ako ng iritasyon at inis sa tinuran niya. Anong tingin niya saakin? Na head over heels parin ako sa kanya tulad noon. Na sasabihin ko kay Talia na 'Siya nga pala ex ko ang boyfriend mo' God! In his dreams! I knew him! Alam ko ang nais ipahiwatig ng kilos niya!

Well, sorry to say this. I already get over with him. Isa na lamang siyang alaalang hindi na dapat binabalikan. God, Rosalyn. Bakit ko pa nga ba iniisip ang Ortega'ng 'yon! Nakalipas na siya, Rosalyn.

"Give me your hand." nabalik ako sa ulirat ng hawakan ni Felix ang kamay ko at inalalayan akong bumaba ng motor niya. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa L.U. BBQ.

"Thank you," nginitian niya ako ng pagkatamis tamis at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti ako ng pagbukasan niya ako ng pinto. Yeah, Rosalyn. Stop thinking about Samson. May Felix na ako. Binabaon na dapat sa limot ang isang katulad niyang gago.

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon