"O-Oo."

Tumango ako saka tumayo na pero natigilan nang humawak si Keaton sa aking braso. Nilingon ko siya. "What?"

"Ihahatid k-ko na k-kayo." Matagal kaming nagtitigan bago ko sya tinanguan. Sige, papayag na ako tutal wala naman akong kotse.

Nang ihatid kami ni Keaton sa bahay ay ang sama ko naman kung hindi ko siya papasukin kaya inaya ko na siyang mag-meryenda. Pero ang meryenda ay umabot hanggang sa doon na sya naghapunan dahil hindi niya matakasan ang mga bata na panay ang laro sa kanya. Sinama na nga sya ni Gale sa kwarto nito para tabihan syang matulog kaninang hapon. Ganoon ka-attach si Gale sa ama na halatang nagpapa-baby lang.

"Uhm, alis n-na'ko ..." napalingon ako habang naghuhugas ng mga pinggan nang narinig ang boses ni Keaton sa aking likuran.

"Uhm, s-sige. Magpaalam ka na muna sa mga bata." Tumango sya at lumabas ng kusina. Agad akong nagpunas ng kamay at sinundan siya sa sala. Nakatayo si Gale sa sofa at nakalahad ang dalawang kamay kay Keaton.

"Daddy, 'wag ka na um-umalis. 'Wag m-mo kaming iwan ni G-Gr-Gray," Gale pouted. Kinarga siya ni Keaton.

"Hindi ko kayo iiwan ulit pero hindi pa pwede si daddy magtagal dito, baby. Babalik naman ako bukas eh at sa susunod na bukas pa. Andito ako everyday."

"P-Pero ..."

Nanatili akong nakahalukipkip sa may bukana ng sala nang biglang magsalita si Gray na naka-indian seat sa carpet. "Mommy! Pwede ba dito mag-sleep si daddy?"

Napasinghap ako nang halos silang tatlo ay sa akin nakatuon ang pansin. Umayos ako ng tayo saka nilapitan sila. "A-Ano kasi baby ... may p-pupuntahan ang daddy n-nyo k-kaya ..." napatingin ako kay Keaton at napakagat sa aking labi nang nakita kong may dumaan na sakit sa kanyang mga mata.

"B-But mommy ... p-please ..." nagsimulang ngumiwi ang pulang labi ni Gale. Ginagamitan nya ako ng charm nya. "Sa room na-namin magsleep si daddy. P-Please!" mas lalo syang sumiksik sa leeg ni Keaton.

Napatingin ako kay Gray at nakanguso na sya't matiyagang naghihintay sa magiging sagot ko. I looked at Keaton again only to know he was looking at me with those pleading deep set eyes. Tumikhim ako at umismid bago nagpakawala nang isang malalim na hininga.

"Oh sya, sige. Dito na matutulog ang daddy n-nyo," binalingan ko si Keaton na ngayon ay pinipigilan ang ngiti. Gusto ko syang lapitan at hampasin ng kung ano dahil sa ngiti nyang iyan. Nakakairita kasi. Sa huli ay kinagat niya lamang ang kanyang labi. Hay ewan! Wala akong nararamdaman. Wala talaga! "A-Ayos lang ba sa'yo?"

Nagningning ang kanyang mata at hindi na napigilang ngumisi sa akin. "Oo naman, mommy!" he exclaimed. Wh-What? Nalaglag ang panga ko sa gulat sa kanyang sinagot pero nagkibit-balikat lamang sya kaya wala akong nagawa kundi tumango at umirap nang magbunyi si Gale sa mga bisig ni Keaton. Binalikan ko nalang iyong mga hugasin ko sa kusina.

Hinilot ko ang aking sentido habang nakaharap sa aking laptop. Paano ba 'to? Malapit na ang deadline namin nito sa client pero nangangalahati pa lang ako sa parteng in-assign sa akin mula sa team output. Tumayo ako saka sinilip ang malaking wall clock sa gitna ng sala, alas dose na ng hatinggabi. Tumungo ako sa kusina saka nagtimpla ng kape nang may magsalita sa likod ko.

"Ba't gising ka pa?" Saglit ko syang nilingon at agad na bumaling muli sa kapeng tinitimpla ko.

"Uhm, m-may ginawa lang na trabaho," sagot ko saka nilagpasan siya sa pagkakasandal sa hamba ng kusina. Umupo akong muli sa dining table kung saan nakalatag ang mga working papers at laptop ko. Akala ko'y babalik na sya sa kwarto ng mga bata pero nilapitan nya ako't umupo sa katapat kong upuan. Ang dining table lang ang naghihiwalay sa amin.

Saglit akong natigilan sa pag-inom ng kape pero agad ko ring iniwas sa kanya ang aking tingin. "Matulog ka na u-ulit," I muttered.

"I-I want to ask s-something."

"A-About what?" Kinabahan akong bigla. He won't go asking me why I left him right? Dahil alam na nya ang rason dyan. Hindi naman ako aalis eh kung walang bagay ang makakapag-paalis sa akin. Alam nya iyan, alam kong alam nya iyan kung hindi sya isa't kalahating tanga.

"Ka-Kailan ang birthday ng kambal?"

"November 19."

"So ... uhm," I looked at him with my brows raised up. Saan ba patungo itong pag-uusapan namin? Seriously, I can't tell. "Uhm, you were more than a month p-pregnant that time." Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Hmm." Iyon lang ang tanging nasagot ko at hindi na rin sya sumagot pa. Bumalik ako sa pagbabasa ng working paper na pinasa ng assistant ko pero naaninag kong nakatingin si Keaton sa akin kaya hindi ko rin maintindihang mabuti ang nakalagay sa papel. Bwiset! Pwede bang umalis na siya? Nakakadisturbo kasi ang tingin nyang ganyan. Hindi ko gusto!

Lumipas ng ilang minuto ang katahimikan naming dalawa. Uminom muli ako ng kape nang bigla na naman syang magsalita.

"Gusto kong mag-usap tayo. Gustung-gusto ko, Raine. Gusto kong bumalik ka sa buhay ko. Please, hindi ko na kaya."

Nilapag ko ang tasa ng kape sa tabi ng aking laptop bago sya tinitigan. "Gusto ko rin namang mag-usap tayo, Keaton. Marami kasi akong gustong sabihin sa'yo. Sobrang rami na hindi ko alam kung saan magsisimula kaya hindi ko rin kayang makausap ka. Hindi pa. Pero ang bumalik ako sa buhay mo? 'Yan ang hindi ko masasagot. Dahil kinaya ko naman ng ilang taon na wala ka."



***

Note: Konting push nalang at Christmas vacation na. Hintayin nyo lang talaga ang sunud-sunod na update! Sorry sa tagal ah? Btw, I changed this story to Salvador Series kasi balak kong gawan ng story halos lahat ng Salvador na nakilala niyo so far. So, yeah. Ciao!

- teensupreme x

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon