Chapter 47: Practice Game

Börja om från början
                                    


I missed you.

Hindi ako makapagconcentrate sa panunuod ko dahil kay Trisha. Natetense ako habang nakaupo. Ano kayang iniisip nya? Ngayong si Khate na yung lagi kong kasama at kami na ni Daniel.


I know, masakit parin yun sakanya. Kahit kung ako nasa kalagayan nya, hindi ako ganun kadaling makakamove on.


"Ang swerte ni Ashley kay Daniel nuh?"

narinig ko na naman yung maganda kong pangalan. Bakit kaya ang hilig nilang pagkwentuhan yung taong malapit lang naman sakanila? Psh.


"but I think Daniel is not lucky to have her. Mas bagay pa kaya sila ni Trish"

ay! Anak ng! Napakunot yung noo ko. Sino naman sila para sabihin yun? At nagawa pa talaga akong icompare kay Trish?!


"yeah. Maybe. Akala ko nga noon sila ang magkakatuluyan. Diba ang sweet nila dati? Lagi silang magkasama."


"tapos sa isang iglap malalaman nating si Ashley pala yung liligawan"

"Duh! Matagal na kayang may gusto si Daniel kay Ashley. Halos lahat ng kateam nya at classmates nya,alam yun"

 

Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa sinabi nila. Ayokong kinocompare ako sa iba...at ayokong isipin na hindi ako deserved maging girlfriend ni Daniel.


Pero, hindi ba talaga ako karapat dapat?


Tinignan ko si Trish. Nakafocus sya sa game. I envy her for being such a nice girl. Very responsible sya sa lahat ng bagay kaya maraming umaa-idolize sa kanya. She's known as campus sweetheart. Friendly sya sa lahat na dahilan pa para maquestion yung friendship namin. Alam ko, yung ugali ko kabaligtaran kay Trish. Pero hindi ako Plastic...hindi ko tinatago kung sino talaga ako.

Alam ko namang lalong naging panget yung image ko ng maging kami ni Daniel. Iniisip nila na inagaw ko si Daniel ,kay Trisha. Na ako yung dahilan kung bakit nasira yung pagkakaibigan namin. Ayoko ng magexplain pa sakanila. In the first place, hindi rin naman nila ako paniniwalaan.

"What's happening? Parang kanina pa puro sablay tira ni fafa Daniel ko. GO Fafa Daniel!."

"bakla ka talaga! Makafafa ka dyan, may baby na yan"

"Che! Eskemberlush ka! Wapakels! Pwede namang hati kami ni sistah Ash! Same beauty naman kami"

nawala sa isip kong naglalaro nga pala ngayon si Daniel. Napatingin ako sa court. Sa facial expression palang nya parang naiinis sya. Pati yung galaw nya hindi katulad kanina, parang tinatamad na sya.


Bakit? Anong problema nya?


Napansin ko si Sir na tumayo at nagtime out. Nagsilapitan naman yung mga players. Halata mong ang tamlay nya habang naglalakad.


"Sanchez! Anong problema mo?! Hindi ka naman ganyan ah! Guys! Alam kong practice lang to pero seryosohin nyo parin yung game! Para akong nanunuod ng larong-bata!"

Pinapagilatan sya ni Sir pero nanatili syang nakatingin sa sahig. Hindi kumikibo. Nakakunot parin yung noo nya.


Hindi kaya dahil sakin kaya sya nagkakaganyan?


Pero ano namang kinalaman ko.?! Nanunuod lang---Aish! OK FINE! ako nga may kasalanan kasi hindi ako nanunuod.

"Daniel!"

agad naman syang lumingon at nag-iba yung expression ng mukha nya. Parang biglang lumungkot yung mukha nya ng tignan ako.

Silently In Love (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu