“I love you more.” Ngumisi siya.

Pumikit ako nang nakangiti. Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog. Nagising na lang ako ng madaling araw. Tulog pa si Jacob pagkagising ko. Nakita kong tulog na rin ang isang driver. Nasa Alegria na kami pero may 15 minutes pa siguro bago kami makarating sa bahay nina Jacob.

Gusto ko tuloy bumisita kina Auntie Precy. Pero sa ngayon, kina Jacob muna kami didiretso.

Kinusot ni Jacob ang mga mata niya. Napansin niya siguro ang pag bangon ko kaya nagising din siya.

“Nasa Alegria na pala tayo?”

Tumango ako at bigla niya akong hinalikan.

“JACOB!” Umiling ako. “Hindi pa ako nakakapagtoothbrush!” Tinulak ko siya palayo.

“Ako rin naman, ah?”

“Basta! Bad breath pa ako. Hmmp!” Inirapan ko siya.

“Gusto ko nga yung hinahalikan ka tuwing umaga. Ibig sabihin nun magdamag tayong magkasama kaya may morning kisses!”

Inirapan ko ulit siya, “Hay! Ewan ko sayo! Adik ka talaga.”

Tumawa na lang siya.

Tulog pa yung daddy ni Jacob nang nakarating kami sa bahay nila. Akala ko hihintayin naming magising siya bago kami umalis ulit pero nagkamali ako... Hinila agad ako ni Jacob palabas ng bahay nila at papasok sa Hummer.

“May ipapakita ako sayo.” Aniya.

Kakabihis at ayos lang namin. 5:30AM pa lang. Ano kaya yung ipapakita niya saking di na makapaghintay?

“Ano?”

“Basta!” Ngumisi siya at pinaandar ang sasakyan.

Akala ko sa Kampo Juan kami pupunta, o sa farm nila, pero nagkakamali ako.

Napansin ko na lang yung isang loteng sobrang lawak at nilagyan ng matatayog na dingding.

“Ano ‘to? Bago ‘to ah?”

Ngumisi pa siya lalo. Tumigil kami sa isang kulay green na gate. May malalaking bold letters ang naka carve sa gate na iyon:

ROSIE BUENAVENTURA

Property of Jacob Antonio S. Buenaventura

“WHAT?” Nalaglag ang panga ko habang papabukas ang malaking gate na iyon.

“Jacob, ano ‘to?” Niyugyog ko siya.

Hindi siya sumagot. Ngumisi lang siya at patuloy sa pag drive papunta sa loob ng gate.

Kitang-kita ko agad ang malawak na lupain. Mag su-sunrise na pala. Ang ganda ng tanawin.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Место, где живут истории. Откройте их для себя