"Because your lips can erase my tiredness."

Lalong kumunot ang noo nito. "Ano? Wala namang gamot na nakalagay sa labi ko, ah? And I only heal animals. Hindi ka kasama sa ginagamot ko. At teka nga muna, could you please elaborate how my lips can heal you in that way and it should have basis and not presumptions—"

Valerian snaked his arms around her neck and pulled her close, then locked their lips.

As usual, Grace just froze. He put distance between their lips and he stared at her.

"Move your lips," bulong niya sa mga labi nito. "It's more enjoyable that way."

Napakurap-kurap ito at siniil na naman niya uli ng halik ang mga labi nito. This time, her lips moved awkwardly but it still felt good against his experienced lips. Ipinalibot niya ang isang braso sa baywang nito, saka hinapit ito palapit sa kanya, paupo sa mga hita niya.

Valerian groaned inwardly. Good. This is heaven. So good. Ang kamay niya na nasa leeg ng babae ay bumaon sa buhok nitong nakalugay. Mas pinalalim pa niya ang halik.

Grace definitely didn't know how to kiss but it didn't matter to him. What mattered was she was kissing him back and trying to please him.

Parang nasasakal ang puso niya sa emosyong ayaw niyang maramdaman mula nang mawala ang dalawa sa mahal niya sa buhay. Pero habang hinahalikan niya si Grace, paunti-unting umuusbong 'yon. TInikis niya ang emosyong 'yon dahil sa takot na maramdaman ang nakakamatay na sakit na halos kumitil ng lahat ng emosyon niya sa katawan.

And now, he was feeling it again. After a decade. That emotion was trying to resurface again.

If he let it surface, would it kill him for good this time?



Habol ni Grace ang hininga nang ihiwalay ni Valerian ang mga labi nito sa mga labi niya. Nakaramdam siya ng hiya nang makita ang posisyon nilang dalawa.

Nakaupo siya sa mga hita nito nang patagilid at nakayakap ang mga braso niya sa leeg nito. Namula ang pisngi niya sa sobrang hiyang nararamdaman.

Nang gumalaw ang pang-upo niya para tumayo, pinigilan siya ni Valerian.

"Stay," he whispered. "Even just for a minute."

Yumakap ito sa baywang niya, saka humilig sa balikat niya. He was kissing her neck and she was enjoying it. Very much. Kaya naman wala siyang ginawa para pigilan ang lalaki kasi masarap na kiliti ang nararamdaman niya at may ginagawa iyong kakaiba sa kanyang katawan.

This feeling was new to her but she still welcomed it, wholeheartedly. No fear of new and the unknown like she should.

"Hindi ka na pagod?" tanong niya.

Hinalikan na niya ito. Siguro naman ay hindi na. 'Yon naman ang sabi nito kanina,'di ba?

Mahinang natawa si Valerian at tiningnan siya nang mataman. There was a soft and warm expression on his handsome face. Ni minsan, hindi niya nakita ang ganitong ekspresyon sa mukha ni Valerian, ngayon lang.

"Pagod? Medyo." Pumikit ito at huminga nang malalim.

Inirapan niya ito. "Sabi nang walang gamot na nakakabit sa labi ko, eh," sabi niya na nakasimangot, saka umalis sa pagkakaupo sa mga hita nito.

May nararamdaman kasi siyang bumubukol sa gitnang bahagi ng mga hita nito at naiilang siya kasi kumikiskis iyon sa pang-upo niya.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Valerian, saka iminulat ang mga mata at tumingin sa kanya. "So, how's the moon cake?"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon