Pagbaba niya ng hagdan patungong sala, natigilan siya nang makita si Knight na nakaupo sa sofa. Umiinom ito ng beer at ginagawang pulutan ang cake. Looked like he picked the lock again.

"Bad dream?" tanong nito. Kapagkuwan ay iminuwestra ang kamay sa sofa na kaharap nito. "Come on. Sit."

Huminga si Valerian nang malalim, saka umupo sa kaharap ng sofa ni Knight.

"Ano'ng napanaginipan mo?" tanong nito.

Ipinaikot niya ang mga mata. "Ano ka, psychologist?"

Knight rolled his eyes too. "Just tell me, you fucker."

Bumuntong-hininga siya, saka ihinilig ang katawan sa likod ng sofa. Tumingin siya sa kisame. "Same bad dream. Hindi naman nagbabago 'yon, eh. Gabi-gabi, palagi sa aking ipinapaalala na kasalanan ko ang lahat."

"Val, let those memories go. Patahimikin mo na ang mommy mo at ang kapatid mong si Airjem."

Val shook his head and sighed. "If only I could."

"You could, if you let yourself."

A sad smile grazed his lips. "Kasalanan ko naman talaga ang nangyari sa kanila."

Knight sighed. "Hindi mo nga kasalanan ang pagkamatay ng mommy mo at nakababatang kapatid mo."

Umalis si Valerian sa sofa, saka nahiga sa sahig.

Nagpakawala naman ng buntong-hininga si Knight, saka umalis sa sofa at nahiga rin sa tabi niya. "Kapag nanaginip ka ng masama, bubuhusan kita ng tubig," sabi nito.

"At paano mo naman malalaman?"

"Because you trash when you're having nightmare." Tumagilid ng higa si Knight, ang likod ay nakaharap sa kanya.

Ganoon din ang ginawa niya. "Good night, fuckers," sabi niya.

"Good night, weirdo," sagot ni Knight.

Valerian closed his eyes and forced himself to sleep. This time, nightmares didn't bother him but a certain woman with hot piece of ass did.



"ITO ANG gamitin mong shampoo para sa aso mo," sabi ni Grace, sabay abot sa box ng shampoo sa regular customer niya sa clinic. "At saka huwag mo munang paglalakarin masyado itong si Ditsy." Ginulo niya ang balahibo ng aso. "Baka mabinat ang paa niyang na-sprain."

"Yes, Doc." Ngumiti si Mrs. Darcy sa kanya. "Maraming salamat."

Ngumiti siya at bumalik sa pagpapakain sa aso niyang si Val. "Hayan, kain ka na, baby," pagkausap niya sa aso habang hinahaplos ang ulo nito. "Eat well, Val."

The bell on the door rang, signaling that she have another costumer.

Tumayo si Grace, saka humarap sa pinto. Natigilan siya at hindi natuloy ang ngiti na sana ay igagawad niya sa kapapasok lang na customer.

It was none other than Valerian Volkzki. Ano kaya ang ginagawa nito roon? Hindi na siya magtatanong kung paano nito nalaman kung saan ang clinic niya.

Baka nagkataon lang.

"Good afternoon," magalang niyang bati rito. "May kailangan ka?"

Mr. Volkzki stared at her for a long time before speaking. "May sakit ang aso ko."

Saka lang niya napansin na may aso pala itong kasama. It was a St. Bernard puppy. Her heart giggled at the cute puppy.

"Aww. So cute." Lumapit siya sa aso, saka lumuhod sa harap nito at hinaplos ang ulo nito. "Ano'ng sakit mo? You okay, baby?" Tumingala siya kay Mr. Volkzki. "Ano'ng nangyari sa kanya?"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu