CHAPTER 1

3M 54.3K 44.5K
                                    

CHAPTER 1

"DOC, WE SHOULD add him to the list of most sought-after bachelors for tomorrow's auction," sabi ni Tessmarie na inilapag ang larawan ng isang guwapong lalaki sa ibabaw ng mesa niya. "Sa tingin ko, papayag naman siya."

Si Tessmarie ang co-organizer ni Grace para sa gaganaping auction bukas ng gabi.

The auction was for their organization, Animal Welfare. She had always partaken in these kinds of things. Halos lahat ng oras niya ay napupunta sa pag-aalaga niya sa mga hayop sa clinic niya. She was a veterinarian and she loved animals, especially dogs.

Grace took a deep breath and stared at the handsome man in the photo. He had emotionless midnight black eyes. His nose was proud. A very stubborn jawline and a visible frown of displeasure on his face. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Well-toned body. He stood six feet three. Kahit sa larawan, nakakunot pa rin ang noo ng lalaki.

"Sa tingin mo papayag si Mr. Valerian Volkzki na sumali sa auction bukas?" Mahina siyang natawa. "Sorry, Tessmarie, I just didn't think he would. He's after all called 'Hitler' by his employees."

Ngumiti nang tipid si Tessmarie. "Alam ko. But think of this, kapag napapayag natin ang isang Valerian Volkzki na sumali, siguradong marami tayong makakalap na pondo."

Grace was considering it. "Sabihin na nating isinama natin siya." Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Sino ang pupunta sa kanya para imbitahan siya?"

Lumapad ang ngiti ni Tessmarie, saka inilapag ang invitation card sa mesa niya. "Ikaw."

Namilog ang mga mata ni Grace. "No way..."

"Yes, way." Kinindatan siya ni Tessmarie. "Sa ating dalawa, mas malakas ang convincing power mo."

"I doubt that." Ipinaikot niya ang mga mata. "Tessmarie, baka patayin ako ng lalaking 'to." Dinuro-duro pa niya ang larawan ni Mr. Volkzki. "Hindi ako makakalabas nang buhay sa opisina niya."

Tinawanan lang siya ni Tessmarie. "Silly. Of course not. Ang magagawa lang niya ay singhalan ka."

Bumagsak ang mga balikat niya. "Wala bang ibang puwedeng kumausap sa kanya?"

Tessmarie shrugged. "I could call Donny and—"

"Ew." Nalukot ang mukha niya.

Malakas na tumawa ang kausap. "Ayaw mo talaga kay Donny, 'no? Balak pa naman n'ong manligaw sa 'yo."

Si Donny ay kasali rin sa Animal Welfare katulad nila ni Tessmarie. Palaging nakikipaglapit sa kanya ang lalaki sa hindi malamang kadahilanan.

Hindi pa rin maipinta ang kanyang mukha. "Ayoko sa kanya. Nandidiri ako kapag hinahawakan niya ako. Nasusuka ako, eh. Siguro dahil 'yon sa pabango niya. Mabait naman siya pero ayaw kong hinahawakan niya ako."

Tumawa na naman si Tessmarie nang malakas. "Oh, Grace. Napakainosente talaga niyang isip mo. Hindi pa tainted ng kahalayan at kabederhan sa mundo." She tsked. "Nasusuka ka kasi hindi mo gusto si Donny. 'Yon lang 'yon. 'Yan ang reaksiyon mo kasi ayaw mo sa kanya. Pero kapag may lalaking humawak sa 'yo at nagustuhan mo ang pakiramdam, humanda ka, si Kupido ang may kagagawan niyan."

Kumunot ang noo niya. "Cupid doesn't exist. It is scientifically proven."

Napailing-iling na lang si Tessmarie. "God, Grace, saang kuweba ka ba itinago ng pamilya mo? Cupid is used to represent love, but not literally."

Napasimangot siya at nainis sa sarili. Bakit ba ang dami niyang hindi alam sa mundo? "Eskuwelahan at bahay lang ako palagi. May kasama pa akong yaya hanggang college ako. Kapag may free time, nagbabasa ako sa educational books tulad ng gusto ni Daddy para dagdag kaalaman na rin. Noong college ako, hatid-sundo ako ni Daddy, 'tapos uncle ko ang dean ng college namin kaya bantay-sarado ako. I want to be like a normal student, hanging out with boys and reading magazines, but Dad won't let me. Sabi niya makakasama 'yon sa akin. And I listened. That's what good daughters do, right? Listen to their parents?"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiWhere stories live. Discover now