Kahit di pa naman talaga natatapos yung picture taking ay nagwalk-out na ako. Mga bwisit. Sabing ayoko eh. Mga plastik. Mukhang close sa pictures pero ang totoo, hindi sa totoong buhay. Umiling ako habang iniisip na ma uupload yun sa Facebook.

Tinext ko si Jacob:

Kainis mga tao dito. Puro picture inaatupag. Nagwalk out tuloy ako sa sobrang inis.

Nagreply siya agad:

Inaantok ako. Nang nakita kong may text ka nagising ang kaluluwa ko. Ilang oras na lang, Rosie... Makakalimutan mo rin yang inis mo.

Napangiti akos a reply niya.

Tinignan ko ang venue. Maganda dito. Akala ko enclosed space yung venue, yun pala, dagat na ang gilid. Open space pala. Ang ganda dito, sobra! Nakapunta na ako dito noon kasama sina Callix, Jacob at buong barkada pero ngayon ko lang napansing may venue na ganito pala dito.

Kalagitnaan na pala ng program ng dumating kami. May awards din palang nangyari.

"Finally! Yung pinakahihintay na awards! Best male and female model of the season! Kanina pa dapat ito binigay na award kaya lang di pa sila nakarating!"

Hindi pa sinasabi ni Kira yung nanalo, kinabahan na ako ng bongga! May feeling na kasi ako. Napayuko ako habang tinitignan ang sariling kamay.

"OMG!" Sigaw ni Jasmine sa malayo.

Nasa table ako kasama ni Kira. Iniwasan ko talaga yung table nina Brandon, eh. Nagkataon pang kasama sila ni Jasmine kaya eto ako at mag isa dahil si Kira ang nag host ng party.

"BEST MALE MODEL OF THE SEASON AWARD GOES TO: Brandon Rockwell!" Pasigaw na sinabi ni Kira.

Tumayo si Brandon at nakipaghighfive sa dinaanang mga models. Tumili ang mga kaibigan niyang models. May iilan pang sumulyap sakin habang tinatanggap ni Brandon yung award. May isang maliit na trophy at kailangan ding mag speech pag natanggap mo na yun.

"Siguro nanalo ako ngayon dahil inspired ako. That's all. Thank you." Kumindat siya sakin.

Umiling ako at tumingin sa malayo.

"Inspired? wooo! That's new!" Sabi ni Kira habang kinakausap yung ibang models.

Pagkatapos ng chikahan nila ay naganap na ang kinakatakutan ko.

"THE BEST FEMALE MODEL OF THE SEASON AWARD GOES TO: Rosie Aranjuez!"

Ha-Ha-Ha! Ang saya ko naman! Tumili ang lahat pero nangibabaw ang nakakabinging sipol ni Brandon.

"That's my girl!" Pahayag niya sa lahat.

"UYYYYYYYYYYYY!" Panunuya ng lahat habang umaakyat ako sa stage.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon