"Bakit?"

"Hindi yata papayagan ng boyfriend. Tsss. Walang tiwala? Possessive?" Singit ni Brandon.

Napapikit ako sa inis. Gusto ko na naman siyang pektusan.

"Uhmm. Basta... Kailangan kong umuwi." Sabi ko at naglakad palayo para maiwasan na si Brandon.

"Halina kayo!" Sabi ni Kira sa kanila.

Nakarating na kami sa function room. Glamorosa. Naka beach attire ang mga tao. Yung tipong pinapaalala sakin na models ang kasama ko. After party. Yung iba naka maxi dress, yung iba naka bikini. Ako naka shorts at cropped shirt lang. Hindi ko alam kung bagay ba ako dito. May red carpet pa.

Biglang may humila saking di ko kilala.

"Rosie! Picture tayo!" Anila.

Wala akong nagawa kasi agad nila akong pinalibutan. Ngumisi na lang ako sa maraming camera. Patay! Magmumukha akong out of place dahil sa soot kong ito.

"Rosie, tayo naman!" Sigaw nung kabling grupo.

Halu-halo na ang pictures. May puro babae, may babae at lalaki, may puro lalaki... Hindi ko alam kung bakit sila nagpapapicture sakin. Ilang sandali ang nakalipas ay pumasok sina Jasmine, Brandon at yung dalawa pang models sa finale.

"BRANDOOON!" Sigaw ng mga babae at hinila siya para makapagpapicture.

Hinila din si Jasmine ng mga lalaki para makapagpapicture. Puro picture ang ginawa ng mga tao. Aalis na sana ako para humanap ng mauupuan pero may humila sa braso ko.

"Yung dalawang finale naman!" Sigaw ng mga babae.

Hindi na ako nakapiglas sa sobrang daming humila sakin. Halos madapa nga ako. Nabadtrip ako pero di ko magawang mag eskandalo! Nabunggo pa ako sa dibdib ni Brandon dahil sa lakas ng pagkakahila.

"Sh1t! Aray!" Sabi ko.

Napatingala ako sa kanya. Nakangisi siya habang tinitignan ako.

"Okay! Smileee!" Sigaw nung photographer.

Ngumisi na rin ako pero lumayo ako ng konti sa kanya. Hindi nadala ang mga kasama kong models, tinulak nila ako palapit sa kanya. Kumunot na ang noo ko at nag init na ang pisngi ko sa sobrang inis. Si Brandon naman, mukhang idinidiin pa lalo ang sarili niya sakin kaya wala akong nagagawa.

"Teka nga!" Sigaw ko at inayos ang sarili.

"Huh? Bakit?" Sabi nung katabi kong kanina pa ako tinutulak palapit kay Brandon.

"Pwede bang maayos na picture naman? Yung maayos ako." Sabi ko at tumayo ng mabuti.

"Ahh. Okay!" Umayos din sila pero ganun parin, tinutulak parin ako palapit kay Brandon.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now