Nilingon ulit ni Jacob si Brandon.

"Lika na." Sabay kuha niya sa kamay ko.

Hinila niya ako palabas ng building.

"Kanina ko pa siya napapansin. Inggitero. Kung naiinggit siya dahil akin ka, humanap siya ng magiging kanya. Hindi yung pinapangarap ka rin niya."

"Wa'g kang mag alala, hindi niya naman ako maaagaw." Sabi ko.

"Wala akong tiwala sa kanya."

Mabilis kaming napadpad sa parking lot. Nandoon ang ibang models. As usual, nakanganga na naman sila habang pinagmamasdan kami ni Jacob. Pinagbuksan pa ako ni Jacob ng pintuan kaya nagsinghapan ang mga tao sa kakatingin samin. Pasalamat kayo, tinted itong sasakyan niya, hindi kayo masasaktan pag nasa loob na kami.

Umiling na lang ako habang tinitignan si Jacob na humahakbang papasok ng driver's seat.

Hinila niya agad ang kamay ko at hinalikan ako sa labi.

"Gutom parin ako..." Sabi niya pagkatapos ng halik.

Tumawa ako.

"Jacob, tama na nga... Masyado ka talagang green. Kumain na muna tayo. Pagkain, ah?"

Tumawa rin siya.

Hindi talaga ako magsasawa sa kanya. At alam ko ding di siya magsasawa sakin. Kahit sino pa yan, walang makakapigil saming dalawa. Hindi kami kayang hadlangan ng kahit nino. Masyado na kaming maraming pinagdaanan at hindi na kami basta-bastang matitinag. Pero feeling ko masusuntok si Brandon, any time soon, kung di siya titigil sa kaka flirt sakin.

"Rosie, bukas yung sukatan ah? Don't forget!" Sabi ni Karl sakin.

Tumango ako.

Buti sinabi niya. Sa sobrang busy ko sa school, nakakalimutan ko na yung modeling.

"Hi Karl!" Sabay kaway nung freshman kay Karl.

"Hi?" Kumaway din si Karl.

Tumili yung babae at parang inaatake ng epilepsy sa kilig.

"Yuck!" Bulong ni Karl sakin.

Tumawa ako.

Hindi niya parin kasi sinasabi sa madla na binabae siya. Nag dadasal na lang siya na isang araw ay marealize yun ng mga tao. True, marami nang nakakapansin sa kanya. Sina Edward, Josh, Callix at Leo ay nakakapansin na. Itong si Jacob naman, in denial parin. Hindi ko nga lang mapagtanto kung in denial ba talaga siya o talagang kahit mga bading ay pinagseselosan niya.

"Kakasuka talaga yung dalawang yan." Sabay nguso niya kay Callix at Belle na naglalampungan. "Madedetention na naman sila dahil sa sobrang PDA! Pwede bang maghalikan dito sa school? HINDI! Obvious bah! Kaya nga kayo na detention last sem! Rosie, pagsabihan mo naman yang kaibigan mo! Jusko po!"

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon