Tinignan nila ako. Nag iwas ulit ako ng tingin. Ang weird naman... Kinakabahan tuloy ako lalo.

"Rosie, ikaw na ang susunod."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Kira. Hindi na ako makapag isip ng mabuti sa sobrang kaba.

"Rosie..." Bulong ni Karl sakin.

"Saan ka ba galing?"

"Doon lang kay Ms. Bubbles. Gulong-gulo yung mga models habang naglalaway sa lintik mong boyfriend. Dapat sumali na lang siya dito eh." Aniya. "Alam kong di yun papayag."

Nagkibit-balikat ako habang tinitignan ang pagrampa pabalik ni Brandon. Nakatingin na naman siya sakin.

"Rosie, dear, lika na!" Sigaw ni Kira.

Lumunok ako at nagsimulang maglakad papuntang stage. Hindi ako makangisi sa sobrang kaba. Naaninaw ko ang walang buhay na mukha ni Jacob... nang nakita niya ako, umayos siya sa pag upo at nabuhayan ang ekspresyon niya.

"Kembot ng konti!" Sigaw ni Brandon.

Umirap ako habang naglalakad pero sinunod ko rin ang payo niya.

"Very good, Rosie!" Sabi ni Kira habang nag hihintay sa gitna ng ramp.

Tumigil ako sa harapan niya.

"Itong mukha mo, pang finale talaga. Pati katawan mo. Now pose, 1... 2... 3... tapos talikod."

Sinunod ko ang mga sinabi ni Kira.

"Very goood!!!" Sabi ni Kira.

May pumalakpak pa sa audience. Nilingon ko si Jacob na nakastanding ovation habang nginingitian ako. Uminit tuloy ang pisngi ko sa ginawa niya. Nakita ko talaga ang sabay-sabay na paglaglag ng mga panga ng mga babaeng nandoon at naglalaway sa kanya.

"Opppsss! Hija, bawal lumingon sa audience kung may pumapalakpak. Patuloy lang sa paglakad hanggang sa makaabot sa position. Okay?"

"Sorry, Kir." Sabi ko at naglakad ng patuloy.

"WOOOO!" Pumalakpak din si Brandon nang papalapit na ako sa tabi niya.

Ngayon, silang dalawa na ni Jacob ang pumapalakpak. Napapikit na lang ako habang tumatayo sa posisyong tinuro ni Kira.

"Galing mo, Rosie!" Bulong ni Brandon sakin.

Tinignan ko na lang ang nakahalukipkip na si Jacob sa audience. Diretso ang tingin niya kay Brandon. Para bang naghihintay na makipagbakbakan sa titigan. Umiling na lang ako.

Isang beses pa naming inulit ang lahat. Nag tiis talaga ako.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon