Chapter 54 No Choice!

3.9K 94 1
                                    


Sky POV

Dumating kami sa hotel... halos kami na ang pinagtitinginan ng mga tao. Pumasok kaming dalawa sa kwarto... Naghintay naman ang mga bodyguards niya sa labas... Ramdam na ramdam ko parin ang galit niya...

"How could you do this to me Sky?!! You keep on disappointing me!!" galit niyang sabi sakin...

Di lang ako sumagot... Pinipigil ko ang galit ko na kanina pa gustong sumabog!!!

"Pinadala kita dito para tumino hindi para magbigay ng dagdag na kahihiyan sa pamilya natin! Talagang inuubos mo ang pasensiya ko..."

" I've told you dad... Ang pagpapatapon niyo sakin dito will not change who I really am. Dad... sana matanggap niyo na ako... Eto ako eh!!! Ganito na ako dati pa! Bakit mahirap ba sa inyo na tanggapin yun?!" pinipilit kong hindi umiyak sa harap niya...

"Dahil isa yang kahihiyan! Sky, bakit ka nagkakaganyan? Binigay naman namin lahat sayo! Bakit pinipili mong mabuhay sa kahihiyan at kasalanan in spite of the fact that you have everything!??"

"Dad... kailan pa mali ang magpakatotoo? Kailan pa mali na mahalin ko yung sarili ko? Dad... lumaki ako na maraming nanghuhusga sa pagkatao ko. Pero dad... nasanay na ako. Sinanay ko yung sarili ko na intindihin ang paligid ko. I've learned to understand that I can't please everybody. Pero... hindi parin pala ako nasanay... Hindi parin ako nasanay na yung sarili kong mga magulang ay hindi ako tanggap."

Napatigil siya...

"Dad... you're supposed to be the one who protected me... You're supposed to be the one who defended me from those people who tried to hurt me. Pero hindi eh!!! You're one of those people!!! Now, can you blame me if I don't obey you?! Masisisi mo ba ako dad??!"

"Wala akong anak na LESBIAN!!!" sigaw niya...

"Wala rin akong ama na mamamatay tao!!!" sagot ko...

Pakkkk!! *__*

As usual!!! Na TAMPAL na naman ako...

"You know what... tanggap ko yung pagiging insensitive mo eh. Pero yung pagiging killer mo... HINDI DAD!"

Bigla nalang niya akong tinapunan ng nakakainsultong ngiti.

Lumapit siya sa table at kumuha ng wine...

"At pano mo naman nalaman ang tungkol dun??" tanong niya...

"Huwag na huwag mong gagalawin ang mga Rodriguez..."

Hinarap niya ako...

"Mukhang importante sayo ang babaeng yun ah... Rain ang pangalan niya, tama?"

Nakakakulo ng dugo kung makangiti... Kung hindi ko lang tatay to, kanina ko pa to sinapak!

"Tapatin mo nga ako... Ano mo ba siya??"

"She's my friend... and don't you ever think of hurting her or her family..." sagot ko.

"Kaibigan?? Anong tingin mo sakin, TANGA?! Sky, I knew she's more of a friend to you. She's your girlfriend, am I right?"

Di na ako nakasagot...

"Now... I guess you understand the situation. Kung ayaw mong may mapahamak, sundin mo ang gusto ko. Magpakatino ka!" sabi niya...

Bigla nalang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko... Bigla nalang akong napaluhod...

"Dad... nakikiusap ako. Huwag mong sasaktan si Rain at ang pamilya niya." Naluluha na ako ng mga oras na yun...

Sky with Rain (masked love)Where stories live. Discover now