Chapter 24 Mega Blockbuster Problem!

4.2K 121 3
                                    

Sky POV

Biglang nag flash back ulit ang nangyari ng gabing yun... Ang gabi na huling humawak ako ng manibela...

Pilit kong kinalimutan ang lahat ng nangyari.

After that incident, hindi na ako naglakas loob na makipagkarera ulit. Kahit makarinig lang ako o makakita ng sports car, eh matinding takot na ang nararamdaman ko...

Na trauma ako sa nangyaring yun....

Sixteen palang kami, palagi na kaming napapasama sa mga street race... I know!!! Minor pa kami that time para makasali sa mga street race... pero walang minor de edad basta alam mong humawak ng manibela, makipagsabayan sa kalsada at higit sa lahat ay may pera.

Bata palang ako, hilig ko na talaga ang kotse...

Actually, I have a collection of sports car. But after that incident, binenta ni dad ang lahat ng kotse ko except for ONE na pinangregalo ko kay Zayn nung birthday niya...

That was the last time that I drive a car... And the last time that I race...

Isa yun sa mga bagay na pilit kong ibinabaon sa limot....

Rain POV

Sobrang weird ni Blaze ng araw na yun... Well... balik ako sa dati kong gawi tuwing weekend...

Trabaho sa fast food chain... Waitress sa karinderya... Balik sa University... Trabaho ulit...

Di ko namamalayan ang oras... gabi na pala...

Umuwi agad ako... Sobrang sakit ng katawan ko... Pano ba naman... halos wala nakong pahinga sa buong araw na to.

Pagpasok ko sa kwarto, napakabangong amoy ang sumalubong sakin... Nakakagutom...

Naghahanda si Blaze ng hapunan namin...

Woow !!! Ang bango naman niyan !!!" agad kong sabi... Sobrang gutom na ko talaga...

"Ah... jan kana pala... Sige... umupo kana at kumain na tayo... Masarap to!" nakangiting sabi niya.

Steak... Glaze chicken... Burger... Pizza... ETC. ang daming pagkain...

"Sandali... saan ka kumuha ng perang pambili nito???"tanong ko.

"Alam mo ikaw.... kakain ka na nga lang... ang dami mo pang tanong... Kumain nalang tayo!! Pwede!?"-Blaze

Syempre, gutom na gutom na rin ako... Kaya.........ATTACK!!!

 Habang kumakain kami, tumunog ang cellphone ko...

Ring....Ring... TIRIring....

"Hello... nay... napatawag kayo??"

Umiiyak si nanay...

"Nay... May problema po ba??"

Halos di makasagot si nanay sa kakaiyak.

"Nay... bakit kayo umiiyak!!! May problema po ba??? Nay... huwag naman kayong ganyan... Kinakabahan ako sa ginagawa niyo eh!!" sobrang lakas ng tibok ng puso ko...

Alam kong may problema dahil hindi naman hahagulgol ng ganun ang nanay ko dahil lang sa wala. Huli kong narinig na umiyak ng ganun si nanay ng maaksidente si tatay...

"Anak... ang kapatid mo... nabaril... Nandito kami ngayon sa ospital..." sagot ni nanay

"Ano???! Nayy... huwag naman kayong magbiro ng ganyan..."

Pakiramdam ko, parang namanhid ang buo kong katawan. Naiiyak nalang ako sa sinabi ni nanay pero pinilit kong hindi ipahalata sa kanya.

"Rain...inuoperahan ngayon ang kapatid mo... Tinatanggal pa yung bala na tumama sa dibdib niya... Anak... Wala tayong pambayad sa ospital... Pano natin mababayaran ang lahat??? Anak... Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kapatid mo...Ayoko kong mawala ang kapatid mo!!!Anak, tulungan mo ako!!"

Sky with Rain (masked love)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora